I.N.G. (68)

165 10 0
                                    

"Ateng ang tagal mo diyan magbihis" sabi ni Wonwoo habang nagpapaypay.

"Eto na oh nangangati ako sa skirt na binili niyo" inis na sinabi ni Jeonghan, nagbibihis pa kasi siya at medyo masikip pa yung suot niya. Kinuha ni Minghao yung high heels na 3 inches ang taas at inabot niya kay Jeonghan.

"Ateng suotin mo yan alam kong sanay ka" 

Natapos agad si Jeonghan at lumabas na siya para ipakita niya yung resulta ng kanyang itsura. Nakanganga sila lahat dahil sa kagandahan ni Jeonghan, pink skirt with white long sleeves at na ka heels pa, at yung buhok ay binago pinaiksian nila yung buhok at kinulayan ng brownish red.

"Alam mo besh kung lalaki lang ako idedate kita ATENG GANDA MO!" pabirong sinabi ni Minghao.

"Bobo lalaki pa din yan nagdamit pambabae lang" sabi ni Jihoon.

Di nila alam na may kotseng pumaparada sa tapat ng parlor nila, as usual si Seungcheol yan kaya bumaba agad yung lalaki para bisitahin ang 'girlfriend' niya. Pagpasok niya di agad na kilala si Jeonghan kasi iba ang pananamit nito.

"J-Jeonghan........are you wearing skirt?" sabi niya habang nag sesexily glare siya sakin.

PUTCHA ANG SEXY NG TITIG NIYA SAKIN sabi ni Jeonghan sa isip niya.

"Para saan ito?"

"Yung pagpunta natin sa mom mo mamaya" sabi ni Jeonghan nang mahinhin.

"Oh excited ka ba?" Tanong ni Cheol.

"Seungcheol papaanong kung di ako gusto ng pamilya mo?" 

"Hannie, magugustuhan ka ni mom promise yan"

________________________________________________________________________

Masakit na ito XC





i'm not a girl 》jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon