CARLOS ARAGON

14 1 0
                                    

(CARLOS'S)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(CARLOS'S)

"Carrrllloooosssss!!!", dinig kong sigaw ng aking pinakamamahal na si Tiya Lucia. Agad kong naalala na ito ang unang araw ko sa Mataas Na Paaralan. Huling taon ko na ito at sa wakas! Magku-kolehiyo na ako, marahil ay sa Maynila ko pupulutin ang aking tagumpay. Oh!Diyos ko! Nais ko po sanang makapunta ng Maynila, nais ko din po sanang makatagpo ng magandang binibini doon. Na kasing ganda ng aking idolo na si Judy-Ann Santos alam kong ito'y pagmamalabis ngunit nawa'y kasing yam--

" Arrraaayy Tiya! ", turan ko nang hampasin ako ng walis tambo ni Tiya sa braso.

"Sinasabi ko sayong bata ka! Bumangon kana! Baka mahuli ka sa Bayang Magiliw'', pasibat nitong saad.

Bayang Magiliw? Nagtataka kong tanong sa aking sarili ngunit makalipas ang sampung segundo bago ko maintindihan ang kanyang sinabi.

Matapos mag-agahan, agad kong pinuntahan ang aking paboritong kalabaw na si Ashyung. Ito lamang ang tanging sinasakyan ko papuntang paaralan, bagay na ipinagmamalaki ko sa aking mga kamag-aral. Sila'y naglalakad lamang samantalang ako? Si Ashyung ang nagbubuhat sakin paakyat ng tatlong bundok. Marahil kayo'y humahanga sa aking kakisigan sapagkat hindi kailanman nahapo ang aking kalabaw.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking paglalakbay nang matanaw ko ang isang binibini na naglalakad sa gilid ng sapa. Dumapa ako sa likod ni Ashyung at pinatigil ito sandali sa pamamagitan ng paghila ng tali na konektado sa malalaki nitong ilong.

"Mas maganda ka pa sa umaga, binibini. Nais mo bang maranasang maging Princesa sa araw na ito?'', pakitang gilas kong ngisi habang inaabot ang aking kamay. Na siya namang ikinakunot ng kanyang noo. Umikot ang nagagandahan niyang mga mata at patuloy na tinahak ang daan.

"Hoy! Hindi mo maaring tanggihan ang aking kakisigan.'', habol na sigaw ko sa kanya. Pinaglakad ko muli si Ashyung at naabutan ko ang binibining unang tumanggi sa aking paanyaya.

" Marahil ay hindi ka makapagsalita sa subrang pagkamangha sa akin, kong kaya't idinadaan mo sa mga pang iiwas '', muling turan ko nang makalapit kami ni Ashyung sa kanya.

''You dont know when to stop, do you?'', napanga-nga ako sa kanyang sinabi. Siya ba'y isang anak ng Guro? Napa-maang ako sa subrang pagka-mangha

O______O

Hindi ko naibilang kong ilang segundo akong humanga sa kanyang pananalita.

"Tss, stupid.", asta niya at walang lingunang umalis.

S-stupid? s-stupid? Sandali? S-stupid?

" Hintay! A-anong s-sabi mo? S-stupid a-ako?!'', muli kong habol sa kanya ngunit di na nya ko nilingon pa.

Masakit pala sa pakiramdam pag hindi ka nagawang lingunin ng taong hinabol mo.

Mag-a-ala sais na ng umaga nang hampasin ni Butchog ng bato ang malaking bakal bakal na hudyat ng Bayang Magiliw este Lupang Hinirang.

Sabay-sabay kaming kumakanta nang di ko sinasadyang makita ang binibini na ubod ng sungit sa aking kanan. Magkapantay lang kami kaya naman marahil ay nasa may gilid ko lamang siya.

"Psst!", pagtawag ko sa kanya. Ngunit gaya kanina di niya ako nilingon. Napakunot siya ng noo nang sinitsitan ko siya ng mga siguro sampung beses.

" Shut up, will you? Di ka ba marunong gumalang? How pathetic, di ako na-orient na ganito pala ang School na papasukan ko", dinig kong sabi niya. Matagal bago pumasok sa utak ko ang mga salitang sinabi niya.

Carlos. Babae yan. Wag mong pahintulutan ang iyong sariling masigawan ang mga binibini, maganda man o di kaaya-aya ang mga sinasabi nito. Kalmahin mo ang iyong sarili Carlos. Isipin mo ang iyong Tiya na babae rin..

" Kong sino ka mang kampon ng satanas ang nagkamali ng daan at ako ang iyong binangga ay hinding-hindi kita papalagpasin sa tapat ng aming bakuran!" , buong galit na sabi ko sa mismong muka niya.

Natigilan ang lahat sa aking sinabi na tila ba nahihiwagaan kong sino ang aking kaaway.

"Carlos hijo, sino ang satanas at iyong haharangin sa tapat ng inyong bakuran?", pagtataka ng aming Guro na si Binibining Rosalinda.

" Wala ho Binibini. Ako'y nananaginip lamang. Naiwan ko ho ata ang akin diwa sa palikuran kong kaya't kong anu-ano na lamang aking aking mga nasabi. Paumanhin po", pagyuko ko pang saad habang inilagay ang sumbrero pang bukid sa tapat ng aking dibdib.

Nginitian ako ni Binibing Rosalinda saka ko sinamaan ng tingin ang demonyitang kanina pa humahagikhik.

Natapos ang buong araw na hindi ko mahanap ang aking diwa sa klase. Nag iisip ako kong pa-paano ko pahihirapan ang binibing iyon. Nasa pang huling silya ako dahil doon ako ipwinesto ng aking guro habang nasa harapan ko naman ngayon ang binibini. Napaka kinis ng kanyang batok. Di marahil ito nag gagapas ng palay at hindi rin marahil ito nagpapastol ng mga hayop sa bukid. Kong hindi lamang ito masungit tiyak kong madami ang hahanga sa kanya. Maitim at makintab ang hanggang balikat nitong buhok. Ilang katas kaya ng niyog ang inilalagay ng binibining ito tuwing gabi? Nabaling ang aking atensyon nang magtanong ang aming Guro kong anu-ano nga bang mga pangarap namin sa buhay.

Unang tinanong si Tessa

" Nais ko pong maging Doktor Guro. Upang matulongan ang mga may sakit na hindi kayang magbayad sa Ospital", buong pagmamalaking saad ni Tessa na ngayon ay sinasamsam ang palakpakan na isinukli ng aking mga kamag-aral sa kanyang sagot.

"Tss..Gagawin mo pa rin kaya yun kahit pa magutom ang iyong pamilya sapagkat walang naiaabot ang mga may sakit na mahihirap? Papano mabubuhay ang pamilya mo kong ganyan din lamang ang iyong pananaw?", saad ng masungit na binibini na siya namang ikinatahimik ng buong klase.

" Marahil ay ang mga pahihirap lamang ang may alam kong pa-paano kami nabubuhay sa kabila ng aming mga karamdaman at kawalan ng salapi upang maibili ng gamot gaya ng mayayaman. Ngunit Binibini, kapag mahirap ka, lahat gagawin mo makatulong sa kapwa mo lalo na kong doon ka naman galing. Alam mo kong ano nararamamdaman nila at alam mo kong ano ang nararapat mong gawin. Yun ang tumulong", nagpalakpakan ang aking mga masugid na taga-hanga at ako naman'y pasimpleng kumaway sa kanila. Tinignan ko muli ang likuran ng Binibini ngunit sa kabila ng pakikipag tunggali ko sa kanya ay hindi niya ako nilingon.

Masakit pala kapag binabalewala lang ng tao lahat ng mga sinabi mo.

---

PHOTO CREDIT : https://www.livingincebuforums.com/ipb/uploads/monthly_05_2016/post-1-0-36317400-1462538325.jpg

(A.N)

Hello!!! Sabaw utak kaya ito muna ang simula!!

#TalongFamily

Ngayon Hanggang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon