CARLOS'S
Nabahala ako nang marinig ko kay Rosa na liliban sa klase si Eva dahil may sakit ito. Maski ako lalagnatin sa ginawa niya kahapon.
Wala ngayon ang aming guro na si Ginoong Arthur liliban ito ng tatlong araw dahil may inaasikaso itong proyekto kasama ang aming punong guro. Kaya lumabas ako ngayon upang mamitas ng suha na parang dalandan na parang suha talaga(orange).
" Aaiiisshh! Magpapitas ka naman suha na parang dalandan. Kong hindi lamang ito para kay Eva ay hindi na kita aabalahing akyatin", reklamo ko sa puno. Namitas din ako ng kamatis at ibang gulay na pananim ng aking Tiya upang tiyakin na gagaling si Eva.
Lahat ng bagay na yun ay nangyare ng napakabilis at ito ako ngayon. Ikinukulong sa aking bisig ang umiiyak na Princesa. Suot ang lagpas tuhod na bestida at maputing paa na ngayon ay puro putik na. Wala akong ideya bakit siya lumuluha ngunit isa lang ang bagay na nararamdaman ko ngayon...
Nasasaktan ako
Isinakay ko sa aking likuran ang walang malay na si Eva at naglakad papunta sa bahay nila. Nakailang katok ako bago buksan ni Aling Shiela ang pinto at gulat na gulat makitang walang malay ngayon ang basang-basa niyang anak
'' Hijo ano ba ang nangyare?" , pagtatanong niya matapos niyang maasikaso si Eva. Ito agad ang tanong na bungad niya pagkababa niya ng hagdan.
"Nakita ko lamang po siya malapit sa sakayan papuntang bayan na umiiyak. Hindi ko po alam kong bakit, hindi na rin po ako nag abala pang magtanong sa kalagayan niya kaya minabuti kong ihatid na siya rito agad", pagpapaliwanag ko kay Aling Shiela.
Agad siyang nagpasalamat at ako'y tumuloy na papuntang bayan. Nang makita ko si Eva kanina ay paalis dapat ako papuntang bayan upang mag tanung-tanong kong magkano ang matrikula ng gusto kong kurso upang mapag ipunan namin ng aking Tiya.
Pagkarating na pagkarating ko sa Pangpublikong Paaralan ay agad akong nagtanong sa isa sa mga namamahala ng mga estudyanteng nais pumasok dito.
Mechanical Engineering ang gusto kong course na nagkakahalaga ng limang libo ang matrikula. Napa aray ako sa kaisipan na napaka mahal ng edukasyon.
Papauwi na ako ng may biglang yumakap sa akin sa likod
Σ(⊙▽⊙")
" Namiiissssss kita darrrliinnggg!", malanding sigaw ng babaing pinipilit kong iwasan ng halos dalawang taon.
Si Elena Ramirez
"Nais mo rin bang mag enroll dito Darling?! Kkyyyaahhhh! I cant believe this nakita kita rito! Napaka lakas talaga ng panalangin ko at sa wakas magkakasama rin tayo ng school!", kinalas ko ang pagkakayakap ni Elena at humarap sa kanya.
" Maghunos-dili ka nga Elena nasa publikong lugar tayo" , mahinahon ngunit may diin sa bawat letra ng mga sinabi ko.
Hindi siya nagpatinag at niyakap akong muli. Amoy na amoy ko ang pabango niya na nang aakit. Amoy na hindi pangkaraniwan. Unang-una pa lang alam kong nais na ni Elena na ibigay ko sa kanya ang kaligayahan na nabibilang lamang sa mga taong hayuk sa laman.
Hindi gaya ni Elena ang tipo kong babae kung kaya't kumalas ako muli at walang lingunan na umalis. Sumakay ako ng jeep na baon-baon ang kyuryosidad na kong bakit nga ba nila ito nagustuhan at kong ano nga bang merun sa bagay na iyon para hanap-hanapin nila. Winaksi ko sa aking isipan ang kaisipan kong iyon at iniabot ang bayad na kanina ko pa pala hawak.
Σ( ° △ °|||)
Pagkarating ko ng bahay ay agad kong kwenento kay Tiya ang kursong gusto ko at masayang binalita na nakahanap na din ako ng trabaho sa bayan bilang kargador ng bigasan ni Aling Melly.
BINABASA MO ANG
Ngayon Hanggang Wakas
RomanceDito sa kwentong ito maipapamalas ni Carlos Aragon ang wagas na pagmamahal niya para sa isang babaing nag-ngangalang Evangeline Alcantara. Ngunit, saan nga ba susubukin ang pag-iibigang binuo ng dalawang taong labis labis ang sakripisyo para sa isa'...