PANAKAW NA SULYAP

10 1 0
                                    

Carlos's POV

Isang linggo ang lumipas simula nung nangyaring pangunguntsaba ko kay Franco upang magantihan si Eva. Oo, eva nga ang kanyang ngalan. Mala-anghel na kaanyuan, mahinahon ngunit matikas na boses. Mapang-asar kong tumingin ngunit ako'y nahihiwagaan kong ito ba'y nang-iinis o nang-aakit. Nais ko sanang sabihin sa binibini na hindi ako libre at may bayad ang aking serbisyo. Napangisi ako sa kaisipan kong makiki-usap si Eva na idampi ko sa kanyang mala-rosas na labi sa nguso ko.

Natigilan ako sa paghampas ng aming guro na si Ginoong Arthur sa pisara upang maibalik sa kanyang ang atensyon naming lahat.

" Group yourselves into two, may gagawin tayong activity ", utos ng aming guro kong kaya't napunta ako sa grupo nila Eva sapagkat nasa harapan ko lamang siya, sa aming silid-aralan may dalawang magkakahiwalay na grupo ng upuan, at sa gitna ng dalawang grupo ng mga upuan dumadaan ang aming mga guro.

" In today's activity, kailangan niyo ang isa't isa para manalo. Sa activity na ito masusukat kong pa-pano kayo lalaban ng sama-sama at kong anong magiging way niyo para manalo. Example! ikaw Carlos please stand up, lumapit ka dito sa harapan '', walang kaabug-abog na nilapitan ko si Ginoong Arthur at nakangiting humarap sa aking mga kamag-aral. Nabaling ang panangin ko kay Eva na di mo makikitaan ng kahit na anong ekspresyon sa muka. Di masaya, di malungkot, hindi galit, hindi naiinis. Normal na muka ni Eva na para bang kong hindi dilat ang mga mata niya ay iisipin kong tulog siya.

" Carlos ikaw ang mangunguna sa Group A. Responsibilidad mong palakasin ang iyong panig at samahan ang iyong mga miyembro sa lahat ng bagay , ang activity natin ngayon ay buohin ang mga kakulangan niyo ng tiwala sa isa't isa" anya ni Ginoong Arthur. Naglakad nako pabalik sa aking upuan matapos sabihin na si Tomas ang aking katunggali. Mali, grupo ni Tomas ang aming katunggali.

Kasalukuyan kaming nakikinig ng mga bagong alituntunin na pinapahayag ng aming guro nang biglang bumagsak ang ulan. Napaka lakas naman talaga na halos hindi na kami magkarinigan. Nag desisyon ang aming guro na pagdikitin na lamang ang dalawang grupo ng mga upuan upang siya'y aming marinig. At dahil nga na sa bawat linya ng upuan ay kaming dalawa ni Eva ang nasa dulo, napagpasiyahan ng aming guro na idugtong na lamang ito. Samakatuwid, oo tama kayo, magkatabi kami ni Eva. Di ko sinasadyang magkiskisan ang aming mga braso na siyang ikinagitla ko. Ramdam ko ang kuryenteng dumaloy mula dito papuntang apdo ko. Mali. Puso ko marahil ang natamaan ng kuryenteng yaon. Napakalakas ng kabig ng dibdib ko na sana ay hindi niya marinig.

" Tama Carlos, maliit ang tainga niya kaya hindi niya ito maririnig", wala sa sarili kong usal na ikinalingon ni Eva.

"May sinasabi ka?", taas kilay nitong sabi sa akin.

Napakamot ako sa ulo at akmang magsasalita pa siya ngunit inunahan ko na sa subrang taranta ko.

" A-ang s-sabi k-ko maliit ang tainga m-mo, mapalad ka at h-hindi mapapasukan ng bubuyog iyan h-hehe", sabi ko sa galit na galit na ngayon na Eva.

Di na niya ako kinausap pa at itinuon ang atensyon sa guro namin na kanina pa inanunsyo ang mga gagawin namin kinabukasan.

" Ang makikitaan ko ng malaking cooperation sa bawat group ang siya'ng mananalo. Ang activity na'to ay pagtitibayin ang samahan ninyo since ito na ang huling taon ninyo sa Hayskul at marahil ay ang iba sa inyo ay kailangan ng mangibang-bayan para subukin ang Kolehiyo. Mga bata nais kong ipakilala sa inyo ang buhay na mag-uumpisa sa hirap bago maging masagana. So ang purpose ng magiging activity natin ay malaman ninyo na hindi sa lahat ng bagay ay haharapin niyo ito ng mag-isa. Magta trabaho kayo as a Team"

Ngayon Hanggang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon