LAVNAT

14 1 0
                                    

EVA'S POV

Pag-uwi na pag-uwi ko narinig ko ang usapan nina Mom at Dad sa sala.

"Sheila, kahit ako hindi ko ito ginusto, sino ba naman ang Ama na gustong makita ang anak niyang nagsa-suffer? Please kahit ngayon lang, magtiwala ka naman sa akin", paki-usap ni Dad na wala maski isang nasagot si Mom.

Sa bahay na ito, patas ang lahat. Nakikinig si Dad kay Mom at sinusuportahan namin ni Mom ang bawat mabubuo nilang desisyon. Ang mali lang talaga sa pamilya na ito ay lahat illegal. Bawat isa ay may bahid ng dugo ang mga palad. Bawat isa ay kinakailangan matuto tumutok ng baril sa sintido at walang konsensiyang kakalabitin ang gatilyo. Hindi ako lumaki na mga laruan ang hawak. Bagkus, pinanganak ako upang maging kasapi ng Grupo na pinangungunahan ng aking Ama.

Mahigit sampung milyong dolyar ang nakapatong ngayon sa ulo ng aking Ama matapos niyang linlangin ang isa sa mga terorista ng Amerika na si Black Viper. Isang malaking illegal na Casino ang itinayo ng aking Ama sa Dubai na siya namang kinalolokohan ng mga negosyante doon.

Nandaraya at namemera kami ng mga Negosyante upang mas lumago ang Casino. At si Black Viper ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa namin sa loob ng madaming panahon.

Umalis kami ng Dubai at nagtago dito sa Pilipinas ng halos tatlong taon kung kaya't hindi namin namalayan na natunton na pala kami ng grupo nito. At sa kasamaang palad si Lolo ang una nilang kinuha sa amin. Siguro nga nasa milyones ang halaga ng bawat buhay namin. Kaya ngayon? Di na kami gaanong nagkakausap ni Dominic

Dom? Are you? By any chance, avoiding me?

Nagpatuloy lang ako sa kwarto ko at ibinagsak ang aking sarili sa kama. Nakatingala ngayon sa kisame at binibilang ang lahat ng humahadlang sa aking paglaya.

Bigla kong naisip ang ulan at sa di ko malaman na dahilan ay mukha ni Carlos ang biglang sumulpot sa aking isipan. Naalala ko tuloy ang mainit at sunod-sunod na paghinga niya sa palad ko ng mga oras na yaon. Nanlaki ang nga mata niya at naramdaman ko ang tensyon at pagkailang sa pagitan naming dalawa.

Ngunit mas nanaig sakin ang kaba nang makita ko ang mga tauhan ni Black Viper.

Sa subrang pagod ko hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising ako bandang ala una ng madaling araw para uminom ng tubig. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko. May napansin akong istatwa ng tao isang daang metro ang layo nito mula sa bintana ng aming kusina. Nag matyag ako. Nanatiling nakapatay ang ilaw kong kaya't hindi niya ako makikita. Dahan-dahan kong hinugot ang kutsilyo ng mapansin kong papalapit na ito at mukang sa back door ito didiretso. Walang maririnig sa bawat kilos naming dalawa, kapwa nag iingat.

Dahan-dahan akong lumapit sa gilid ng pinto kung saan maaari ko siyang saksakin sa una niyang pagbukas. Narinig kong nabuksan niya ang lock ng walang kahirap-hirap. Bihasa ang isang ito. Kabado akong nagmamatyag.

Nang bubukas na ang pinto ay hinigit ako ni Daddy patago sa malaking book shelves malapit sa pinto. Sinenyasan niya akong wag mag iingay at siya ang paunahin. Tumango ako bilang pagsang-ayun. Mukhang magnanakaw ito sapagkat may dala-dala itong malaking sako na marahil ay paglalagyan niya.

Isinilid niya sa sako ang laptop ni Daddy na nakakalat lang sa sofa isinama niya rin ang paintings na pininta pa ng aking Lola Mimay.

Habang nakatalikod at busy ang katawan ay naglakad si Daddy papunta sa likod nito. Sinakal niya patalikod sa paraan ng pagkukulong ng kanyang braso sa leeg nito. Lumalaban si Mister Kawatan ngunit mas lalo lamang siya nadidiin.

" A-ayuk-ko na ahh", tanging nasabi niya at saka itinulak ni Dad paupo sa sahig.

" Uli-uli na pumasok ka sa tahanan ko pupugutan na kita ng ulo, naiitindihan mo?" , tango lamang ang naisagot nito at patakbong lumabas ng bahay. Iniwan niya ang sako na yun at inayos muli ni Dad ang mga kinuha niya. Di ko na inantay na matapos pa siya at walang ganang humiga ulit.

Ngayon Hanggang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon