Pekan Anti Otoritarian

13 0 0
                                    

Apat na taon na pala

Nang unang lumabas ng bansa

Mula sa isang isla tingi sa iba

Madaling araw ang byahe

Mula sa paliparang ninoy Aquino

Papunta sa soekarno airport

Wala pang direktang byahe

Kinakailangan dumaan sa kabisera

Ng Indonesia bago makapunta sa

Isa pang grupo ng mga isla sa Sumatra.

Mula sa maynila papunta sa java

Gabi at madilim sa Jakarta

Pero makapal an usok mula

Sa gudang garam, malalim ang gabi

At nag-aagaw liwanag mula sa poster ng kuryente

Kumain muna, nagpainit ng sikmura

Tumikim ng rending

Kailangan habulin ang sunod na byahe

Para hindi maiwanan, di pa

Nakakarating, nag-iisip na umuwi

Mula sa Sumatra patungo sa kuala lumpur

Bagong bansa, bagong byahe

Bagong karanasan

Kontradiksyon at talaban.

Paglapag ng air asia sa medan

Hilagang bahagi ng Sumatra

Sinalubong ng mainit at maanghang

Na salabat mula sa luya, halamang ugat

At gatas. Pangtanggal puyat

Hudyat ng mas mahabang paglalakbay

Patungo sa sibolangit.

May 2-3 oras pa mula sa medan

Ang iba ay galling sa ibang lupalop

Kanto ng daigdig. Mula sa Europa, amerika

Asya at Australia.

Maraming naka-itim, may aritis

At palamuti sa balat.

Kahit tumawid ng dagat o himpaapwid

Pareho lang ang amoy ng burak at pawis.

Nanggigitata sa init mula sa syudad.

Hindi umabot ang dilim,

Ngunit wala pa man sa eksaktong pook

Bumuhos ang gabatong ulan.

Unos. Nabasa ang marami, ang ilan ay

Sumilong at nag-ipon ng tubig-ulan.

Naglabas ng kaopte, paying at trapal.

Iba-iba man ang dila at lengua

Pareho-pareho ang sadya

Tag-ulan na pala sa Indonesia,

Andito na ang mga anarkista.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pekan Anti OtoritarianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon