Sana...

7 0 0
                                    

4.

Sana//Poems for everyone

Sana.
Sana, laging ganto ang gising ko sa umaga,
Masaya at napakasigla.
Ako'y bumangon sa higaan at nagpasalamat sa kanya.

Napasulyap ako sa labas at nakita ko
Ang isang batang babae at kapatid nito.
"Sana may ganyan rin ako",,
Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

Sana maranasan ko ring matawag na 'ate'.
Kahit anong kasarian, lalaki man o babae,
Pagdating sa usapang kapatid,ako'y nasasabik.
Nanlumo't nainggit lalo ako nang ang batang babae ay humingi ng halik,

At siya namang sinunod ng nakababata niyang kapatid.
Ako'y nakita nila at saka ngumiti ng tipid,
"Sana may hahalik rin sa'king pisngi",
T'wing magdarasal, kapatid ang aking hinihingi.

Sana may kapatid akong maaalagaan ko.
Mapoproteksiyonan ko.
Mapapangaralan ko.
Sana may kapatid akong lalambingin ako.

Magiging mabuting ate ako sakanya,
Di ako magpapabaya.
Mamahalin ko siya ng sobra,
At higit pa sa inaakala niya.

Sana ang hiling ko'y tuparin.
Sana may kapatid akong aasikasuhin.
Sana makamit ko lahat ng aking mithiin.
Sana...

~RicaLoreine17♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poems for everyone♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon