JHASMINE POV
Pagpasok ko palang ng room, ang dami ng babaeng nakapaligid sa kanya. Akala mo naman isa siyang artista, buti sana kung mukha siyang Joshua Jacobe aba lalapitan ko talaga.
Madami na siyang napaiyak sa room, sa labas at kung saan-saan. Masasabi kong isa siyang BadBoy slash Casanova slash Playboy.
Walang patawad kung paglaruan ang feelings ng isang babae, akala mo parang basketball eh.
Pagkatapos paikut-ikutin, ibabato at itatapon nalang.
3 hours ang pinakamatagal niyang karelasyon, at malala pa sa bestfriend ko.
Muntik ko na ngang itapon yung Spaghetti na kinakain ko nung lumapit sakin si Rain na umiiyak tapos yung lalaking yan ang dahilan.
Si Christian Karl Yopez, lahat ng masamang katangian ng isang masamang nilalang nakuha niya. Present siya nung sinabog ni Satanas lahat ng yun, actually nasa harap pa siya ta salong-salo niya.
Si Joaquin Padilla, siya naman yung kaibigan ni CK na katabi niya ngayon. Madami ding babae na nagkakagusto sa kanya pero siya yung matinong lalaki sa balat ng mundo. Ang daming nagkakandarapa sa kanya pero sa isang matinong babae siya nahuhulog. Siya nga yung School Crush ko eh, lagi akong nakatitig sa kanya simula nung nilipat siya sa section namin kaso lagi naman akong napapagalitan.
Madalas kaming magkaroon ng eye to eye contact kung saan ako muntik madala sa hodpital, inaatake ako ng sakit sa puso, isama mo pa yung mga pamatay niyang ngiti. Badboy siya pero wala pang napaiyak na babae, kung meron man bahala na yun.
Close sila pareho pero magkaiba yung ugali nila.
Parehas silang Gwapo, Mayaman at Sikat pero magkaiba pagdating sa taste ng isang babae.
Madalas silang galangin ng ibang estudyante, minsan sinunsundan pa ng mga babae yung dalawa sa Canteen pati sa CR. Kulang nalang pumasok sila eh. Nakakahighblood din pag nakita mo si CK, papatayin ka sa inis. Ngingiti siya sayo pero yung nakakaasar.
Minsan ang sarap niyang patulan kaso ako lang din yung masasaktan sa huli.
Sana bukas magkaroon ng milagro...
YOU ARE READING
I LOVE YOU FROM THE START
Novela JuvenilI LOVE YOU FROM THE START WRITTEN BY: STARTED: