CHAPTER 01

1 0 0
                                    

Jhasmine POV

Maaga palang rinig ko na yung sermon ni Mama kay kuya. Ganyan lagi sila, si kuya kase kulang nalang wag ng umuwi eh. Mga alas tres ng madaling araw lang naman siya dumadating galing sa barkada niya.

Mabilis lang akong nagbihis at naligo tapos bumaba na ako para kumain. Wala akong kasabay kumain kase, si Mama namalengke na si Kuya naman tulog nanaman.

Malapit lang naman yung school kaya nilalakad ko na.

Wala pa ako sa Gate, rinig ko na yung hiyawan ng mga estudyante mapalalaki, babae at bakla. Ngayon kase yung Dance Competition sa school. It's between CK and Joaquin.

Ewan ko pero parang gusto kong manood, pero parang nagbago yung isip ko. Gusto ko sana icheer si Joaquin kaso andyan pala yung jowa niya. Ang sweet nila parang ang saya-saya nila. Napatingin naman ako sa pwesto ni CK, ang daming babae yung gustong magpunas nung pawis niya kakapractice. Tapos ang daming pagkain na binibigay sa kanya. Inaalila niya lang yung nga fangirls niya. Aalis na sana ako kaso biglang wala akong madaanan, ang dami kaseng tao.

Unang sumayaw si Joaquin, sinayaw niya yung DNA ng BTS. Grabe yung hiyawan nila tapos ako tulo laway ata.

Magsisimula palang si CK pero parang napatitig ako sakanya. Sinayaw niya yung THE EVE ng EXO, ewan ko pero parang nagslow motion yung paligid. Yung ako lang tapos sinasayawan ako ni CK. Inalog ko yung ulo ko kase nababaliw na ata ako, nung Chorus na parang wala na akong narinig tapos yung kanta nalang. Yung mata ko diretsong nakatingin sa mga mata niya, nung magtama yung nga mata namin, para akong kinabahan ng bongga. Ewan ko pero parang...

Gusto ko siya?

Noooo, isa siyang Casanovang Playboy na Badboy. Na ayaw na ayaw ko.

Pilit nalang akong sumiksik sa mga estudyanteng nanonood para umalis na dun. Nababaliw na ako eh, sinayaw lang niya yung THE EVE ng favorite kpop band ko napatitig na ako. Ang swerte niya naman.

My eyes exclusively for Joaquin only.

Ang landi ng mata ko.

Pumasok nalang ako tsaka nanood. Nakakakilig na nakakaiyak kase yung Twilight. Parang gusto kong pumasok sa Scene na yun eh tapos magpapakagat ako kay CK este Edward Cullen. Waaah! Nababaliw na ako, ginayuma niya ako.

Robert Pattinson help meee.

Biglang bumukas yung pinto tapos pumasok si CK, nakatopless siya. Sh*t.

Lumapit siya sakin yung malapit na malapit, isang galaw lang First Kiss ko na siya.

Waaah! Sa aking mga ninuno tulungan niyo ako, Edward Cullen dumating ka na. Joshua Jacobe patawadin mo ako.

Napapikit nalang ako, tapos pag mulat ko wala na siya sa harap ko. Ano yun panaginip lang? Sana nga.

Hindi na ako nakapanood ng maayos kase sa tuwing makikita ko si Edward Cullen yung mukha ni CK yung nakikita ko. Tapos paulit-ulit pumapasok sa utak ko yung kanina. Nanaginip siguro ako, pero ang bongga ah gising ako.

Nakinig nalang ako ng music, yung PILLOWTALK na kinover ng TOP, ang ganda kase pakinggan pampatulog. Arg, ayoko na matulog baka maniginip ulit ako ng nasama lalo na yun pang nilalang na yun. Makabili nga ng Dream Catcher.

Malapit na ang Intrams Week kaya busy ang lahat. Yung iba nagplaplano ng gagamitin naming cheer, yung iba naman gumagawa ng mga Banners, tapos ako kasama ko si Rain na gumugunting ng mga Cartolina na gagawing Confetti. Halos kalahating oras akong nakatulala, hindi kase mawala sa isip ko yung CK na yun. Ewan ko ba pero parang tinamaan na ako. Sh*t not with that guy.

Lakad parang walang kinain yung ginawa ko papuntang Canteen. Siguro naman mabubusog na ako neto. Pagpasok ko palang lahat ng atensyon ng mga babae nakatingin na kay CK, si Joaquin naman naka earphones lang hindi nakasara yung isa niyang butones. Si CK naman ayun as usual may babae sa right may babae din sa left niya, hindi naman nakasara yung polo niya. Hot naman talaga siya, ilang taon na ba to? Gwapo naman talaga kaso yung ugali eh, kung matino siya isa din siguro ako sa mga nagkakandarapa papalapit sakanya. Iba ang kulo ng dugo ko sa taong to. Hindi pa nga ako nakakaganti sa ginawa niya sa kaibigan ko eh, kaso Sweet Revenge lang naman.

Papaduguin ko yung ilong niya, iiyak siya sa harapan ng kaibigan ko tapos sisirain ko yung mukha niya hanggang sa wala ng magkagusto sa kanya. Ang sweet diba?

Tuloy-tuloy lang akong pumunta sa Canteen tsaka naghanap ng Table. Ang malas ko nga naman yung nagiisang empty table eh sa harap pa ni CK tsaka yung dalawa niyang kabit, tss.

Ang hirap magpigil ng galit, andyan lang kase sa harap ko yung taong nanakit sa kaibigan ko. Hindi ko siya mapapatawad, ang sakit kaya nung ginawa niya. Ginamit niya lang yung kaibigan ko. Tapos ang tanga din kase ni Rain eh, nagpaloko siya. Tsaka alam mo yung dinamay pa ako sa kalokohan nila. Dahil daw matalino ako pagdating sa Science ako pinaggawa ng project ng jowa niya. After 2nd Monthly Examination nagbreak sila tapos ayun iyak siya ng iyak. Pati nga ako naiiyak nadin eh, yung project kase na ginawa ko para kay CK mas mataas sa project ko. Hmpp, kagigil yung mga lalaki sa panahon ngayon. Buti pa nung panahon ni Maria Clara, hindi maarte, Gentleman pa, at hindi Torpe.

Naniningkit na yung mga mata ko habang nakatingin kay CK, nakangisi naman ang loko. Ano kayang nasa isip niya? Na crush ko siya? No way highway, sa Ganda kong to bibigay sa tulad niya? Excuse me lang ha, May Joaquin na ako nuh.

Tsaka kahit ilang THE EVE pa yung sayawin niya sa harap ko, kahit magtopless pa siya ng isang oras sa harap ko. Hindi ako bibigay, magpaka Joaquin muna siya baka may pagasa.

Umaasa nanaman ako, hindi magkakagusto sakin tong Caasanovang Badboy na to. Hot, Sexy, Maganda naman ang tipo niya. Wala siyang pakialam sa ugali ng mga babaeng nakakaharap niya. Kung ugali lang ang basehan ng pagmamahalan o pagkagusto, ang dami kong manliligaw. Mabait kaya ako.

"Huy Manloloko"

May isang babaeng nagbuhos ng Orange Juice sa mukha ni CK. Buti nga sayo, manloloko tama lang yan. Gusto kong tulungan si ate para ibully siya.

"Excuse me who are you?"
May galit na tanong ni Mokong.

May paenglish english ka pang nalalaman ikanaganda ba ng ekonomiya?

"Dont you know me? 1 hour palang nagiging tayo may iba ka na"
Naluluhang response naman ni ate.

Nasa world book of records kana CK. THE DAKILANG MANLOLOKO IN THE UNIVERSE.

Para akong nasa isang teleserye, makaorder nga ng PopCorn.

Grabe may New Record si CK, 1 hour na ang pinakamabilis niyang nakarelasyon. How rude, natalo na ang 3 hours ng kaibigan ko. Congrats ate you're the winner.

Para namang mga kabute yung nga fans ni CK na bigla nalang sumusulpot. Andito lang naman sila para makichismis, ang mga dakila. Napatingin ako kay Joaquin na nakapikit at nakaearphones.

Kyaah, yung kaibigan mo sinugod lang naman ng ex niya, gumising ka kaya. Tsaka mas okay na pala yan, labas ka sa gulo.

"KAPAG INIWAN KO NA DI KO NA BINABALIKAN PA"

Ang sakit ah, so ate NO CHANCE KANA KAY CK.

Magpapawelga na ako, ipapakulong ko tong lalaking to. May isa nanaman siyang nasaktan.

ANGEL DELA CRUZ...

Nakalagay yung pangalan na yun sa isang board kung saan makikita lahat ng napaiyak ni CK na babae na naghahabol parin sakanya tapos ibubully naman ng mga estudyante. Grabe talaga tong CK na to, buti nalang hindi na nanggulo pa si Rain kundi baka wala ng balak pang mabuhay ng babaeng yun.

I'm maybe Nobody but expect how bad is me.

***

I LOVE YOU FROM THE STARTWhere stories live. Discover now