Jhasmine POV
Nasa kalagitnaan ng klase ng biglang pumasok si Joaquin. Hingal na hingal siya, may humahabol ba sakanya?Hindi na tulad ng dati na kapag pumasok siya magpapansinan pa sila ni CK, inisnob lang nga ni Mokong eh.
Wala namang pakialam yung teacher sakanya kase sanay na. Naiinis nanaman ako kay CK, feeling ko may kinalaman nanaman tong lokong to.
After Second Subject, Recess na. Lahat kami lumabas na maliban kay Joaquin. Nakatulala lang siya habang pinapaikot yung Ballpen sa daliri niya. Gustong-gusto ko siyang kausapin kaso baka gusto niyang mapag-isa. May problema ata siya. May mga luha ng namuo sa mga matra niya, nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganyan.
Lumabas na ako sa room, balak kong pumunta ng Library. Magbabasa nalang ako ng Novel.
Hindi naman dahil chismosa ako pero narinig ko lang.
"Girls, FO na daw si CK at Joaquin!"
Medyo malakas yung boses niya kaya rinig talaga.
"Oo nga eh and It's because Angel daw"
Hmmm? Bakit naman kaya?
"Sayang naman, parang magkapatid na sila diba, tapos sisirain lang nung babaeng yun"
May Angel akong naalala, yung Angel na nagtapon ng Orange Juice kay CK. Di kaya ayun yung pinagawayan nila? Sayang din yung oagkakaibigan nilang dalawa. Magkapatid nga talaga yung turingan nila kaso sinira daw nung Angel. Ako tuloy yung nalulungkot para kay Joaquin. Asan naman kaya yung CK na yun? Baka nasa Canteen? Or sa Tambayan nila.
Dumiretso akong Canteen kaso wala siya eh sa Tambayan sa likod ng School ko siya nakita. Ang inosente ng itsura niya parang walang problema. Napalunok nalang ako ng tatlong sunod-sunod. Kinakabahan ako na bihira ko lang maramdaman kase puro inis yung nafefeel ko kapag kaharap ko siya.
Ewan ko ba ang malas ko sa buhay. May pinagbalatan kase ng saging sa hallway kaya ayun natumba ako. Dumiretso yung pwet ko sa sahig.
Pagkataas ko ng mukha ko, nakalingon na sakin si CK. Halatang may problema siya, parang nawala yung Demonyo Side niya. Ang Inosente niya kaharap. Pulang-pula yung mata niya tapos sinisipon nadin siya. Parang may kung anong sakit sa puso akong naramdaman, parang naawa ako sa kanya. Imbes na tumawa ako kase alam kong hindi ko na siya kayang saktan kase nasasaktan na siya ng higit pa sa gusto ko. Gusto kong sampalin yung sarili ko kase parang nagsisi ako sa mga ginawa ko sa nilalang na to. Dapat masaya ako!
"Anong ginagawa mo dito?"
Halatang buong gabi siya umiyak, malaki ba masyado yung problema niya?
"May away pala kayo ni Joaquin"
Medyo naiilang akong titigan siya tulad ng ginagawa niya sakin.Napabuntong hininga nalang siya. Kung ayaw mong sagutin okay lang naman, I just want you to know na may pagkaConcern din ako sayo. Tsaka baka wala ng manginis sakin.
"Gaano ba kaganda magmahal?"
Ha? Speechless ako dun ah. Nagmamahal pala siya, akala ko pananakit lang alam niya eh. Sasagutin ko ba?
"Ahmmmm...Masaya naman magmahal kaso wag lang sobra magtira ka para sayo"
Galing yan sa puso ko, pinaghugutan ko yung pagmamahal ko kay Joaquin. Walang duda siya lang naman.
"Gaano kasakit masaktan"
Hindi ko pa alam ang sasabihin ko kase hindi ko pa naman naranasan. Bat ba hindi niya nalang ako ngitian yung nakakaloko mas trip ko pa.
"Hindi ko alam, wala pa akong Experience"
Ngayon nakapoker face lang siyang nakaharap sa di kalayuan. Nakita ko dun si Joaquin kasama si Angel.
Angel!?
"Yakapin mo ko"
"Ha? Ano"
Hindi na ako nakapalag kase ang higpit ng yakap niya.
Dug. Dug. Dug.
Bakit ganon? Ang bilis ng tibok ng puso ko, nag slowmo yung paligid ko. Parang si CK lang yung nakikita ko. Parang may Butterflies sa tyan ko, parang INLOVE NA AKO?
Napabitaw ako sa yakap namin. Hindi ako Inlove.
Madaming nangyari nakakagulat lahat, para akong tangang nakatayo lang habang pinagmamasdan si CK na palayo na sa akin. Niyakap niya ako?
Ayokong umasa pero bakit niya ginawa yun? Para ba ipakita kay Angel na kaya niyang maghanap agad ng iba? Nawawala na ako sa sarili ko. Ganun ba kalakas ang epekto ng isang CK YOPEZ?
May biglang humila sakin papunta sa dulong bench ng Garden ng school namin.
Si...JOAQUIN!?
Eto na ba yung hinihiling kong Milagro?
Ngumiti siya sakin, siyempre diba ngingiti din dapat ako. Yung ngiting mapupunit na yung mukha ko at abot hanggang Pluto.
Imagine! Yung taongbtagal mong oinangarap at ang tagal mong pinagmasdam ang lapit na sayo pero feeling mo ang kayo niya padin. Mahirap ba talagang abutin ang mga tulad nila?
"Lumayo ka kay CK"
Ha?
Yun lang yung sinabi niya sakin. Hindi ko alam pero parang gusto kong gawin. Parang may mangyayari na hindi ko gusto. Pero nasa araw-araw ko ng buhay ang pagkainis sa lokong yun. Kaya ko bang tiising yung mga ngiti niya? Kaya ko ba siyang hindi lapitan? At bakit ko naman dapat gawin yun? May gagawin ba siyang masama? Ang gulo!
Diretso lang ang lakad ko. Diniretso ko yung hallway kahit na may daan sa kanan paountang room ko. Palabas na kasw ng gate ang tinatahak ko. Masyadong mabilis ang oras, kaya minsan talaga dapat pinaghahandaan ang mga oras na dapat ng lumipas. Tulad ng pagyakap sakin ni CK at pagsabibsakin ni Joaquin na lumayo kay CK. Feeling ba niya nahuhulog na ako kay CK? That will never be happen!
Mahirap akong magkagusto sa isang tao, si Joaquin nga ilang taong ko ng crush. Hindi talaga nagbago at walang magbabago. Gusto ko kung si Joaquin ang una si Joaquin padin sa huli.
Mahirap mahanap ang taong magmamahal sayo ng totoo, dadaan ka muna sa mga taong lolokohin ka lang hanggang sa matuto ka at mahanap kung sino ang totoo.
Iiyak ka muna hanggang sa wala ka ng mailuha.
Magagalit ka muna hanggang sa tumino ka.
Aalis ka muna para magbago at pagbalik mo iba ka na sa totoong ikaw, may lakas ng loob at tapang.
Ewan ko kung saan ko napulot yang mga yan, basta galingbyan sa puso ko at totoo. Gusto ko lang si Joaquin pero parang mahal ko na siya.
I want him to be my first and to be my last...
***
YOU ARE READING
I LOVE YOU FROM THE START
أدب المراهقينI LOVE YOU FROM THE START WRITTEN BY: STARTED: