05/25/18

266 4 3
                                    

Ligaw na Dahon

Nabibingi, Nanlilinlang, Napipighati.
Isang madilim na pangyayari,
Mahirap balikan pero laging naaalala.
Mga karanasang nakapagpawala sa sarili.
Isang umaga na nagpadilat sa aking mga mata sa katotohanan.

Hindi mawala-wala.
Hindi makalimutan.
Mga sugat na nagdurugo pero tinatapalan,
Dahil ang umaga'y gising at maraming makakapansin.
Nagpapanggap, kahit na mahirap.

Parang isang ligaw na dahon.
Kunwari'y nasisiyahan sa twing dinuduyan siya ng hanging hatid ay pighati.
Dahil siya'y nag-iisa't, naliligaw.
Ingi-ngiti na lamang kahit masakit.
Sapagkat ang buhay ay sadyang maraming pasakit.

Ano na lamang ang mangyayari kung ikaw na ang sumuko?
Kung ikaw ba ang ligaw na dahon, magpapaanod ka na lang ba sa bawat pag-duyan sayo ng hangin at magpapakatatag?
O ika'y magmumukmok na lamang sa lupa at susuko sa hamon ng buhay?

Kung ako ang dahon.
Ako'y lilipad na lamang at mag sasaya sa bawat hampas ng hangin.
Masakit man, pero nasiyahan ka.
Kaya ang mahalaga.
Hangga't may buhay, maging maligaya.

-fai

P r a y  T e l l sWhere stories live. Discover now