nang nakarating ako sa nasabing lugar ni bambam, ay agad naman napunta yung aking atensyon sa mga estudyante na nakaupo sa tabi-tabi.
ano ba to? ba't ang daming mga estudyanteng nag-tatambay dito wala ba silang klase sa mga oras nato? saka practice pa naman namin nakakahiya to e nakakahiya.
patuloy lang ako sa paglalakad nang may biglang humawak sa kamay ko at agad akong hinablot nito.
❝ano ba?!❞ iritang tanong ko at nilingon ko yung taong humablot saakin. si bambam lang pala akala ko mandurukot na djk. at ngitian lang ako neto.
gusto ko sanang bumitaw sa pagkakahawak niya sakin kaso ba't di ko yun magawa? at sa tuwing lumalapit naman siya saakin ay bigla nalang bumibilis yung tibok ng puso ko.
mahal ko na ba siya? nahuhulog na ba ako sakanya? ba't ganito? diba laro lang naman ito pero bakit parang seneseryoso ko? di naman ako ganito dati ah. nababaliw naba talaga ako? ugh, bambam why are you doing this to me? damn feelings.
nakarating na kami sa may stage at kaagad na lumapit si ma'am saamin.
❝lisa san kaba nang galing ba't ang tagal mo?❞ iritang tanong ni ma'am at napayuko na lamang ako.
❝uhmmm... ma'am baka may ginawa lang po si lisa.❞ paliwanag ni bambam.
❝basta siguradoin mo lang lisa ha? na hindi kana malalate kundi lagot ka talaga saakin!❞ mataray na sagot ni ma'am at iniwan niya na kami.
❝o-opo ma'am.❞ sagot ko.
❝that's okay babe.❞ sabi ni bambam saakin sabay ngiti at ngitian ko nalang din siya pabalik at kaagad kong iniwas tingin ko sa kanya.
❝okay so let's start the practice, shall we?❞ tanong ng mamang choreographer sa amin at kaagad naman kaming tumango dun.
nagsimula na yung practice at agad na pinaadar ng mamang choreographer yung tugtog na isasataw namin. interpretative dance yung sasayawin namin kaya siguradong di ako makaka pagfocus nito dahil di ko naman talaga talent yung mga ganitong sayaw e hiphop talaga yung gusto ko.
❝START!❞ sigaw nung mama at pinatugtog niya ulit yung kanta.
❝close of from love i didn't need the pain. once or twice was enough and it was all in vein time starts to pass before you know your frozen ohhh.❞
sinimulan niya na yung paghawak sa kamay ko habang nakatingin siya sa akin pero di ako makatingin ng deretso sakanya kaya bahagya naman siyang natawa, parang nanlalamig na talaga yung katawan ko sa mga titig niya di ko na kaya to gustohin kong mag backout pero di pwede kasi kami talaga yung napili.
❝CONCENTRATE LISA AND FACE YOUR PARTNER!❞ utos ng mamang choreographer at napalunok nalang ako, unti unti ko namang itinuon ko yung tingin ko sakanya.
❝but something happened
For the very first time with you.❞❝my heart melted to the ground, found something true and everyone's looking round thinking I'm going crazy.❞
❝but I don't care what they say I'm in love with you.❞
❝they try to pull me away
But they don't know the truth, my heart's crippled by the vein. that I keep on closing.❞bawat titig niya saakin ay parang unti unti na talaga akong natutunaw, kaya napapikit nalang ako ba't ba kasi sayaw pa yung number namin pwede namang kanta.
patuloy lang kami sa pag prapractice namin hangga't sa may narinig akong mga tilian ng mga babae sa tabi tabi. ba't kaya sila nagtitilian may problem ba sa pagsasayaw ko?
unti unti kong idinilat yung mata ko para malaman ko kung bakit sila nagtitilian. pagdilat ko ng mata ko ay agad kong nakita na magkalapit na pala yung mga mukha namin.
pota ano toh? sayaw paba toh?! this is freakin' insane! di ko na kaya. i can feel his warm breath on my cheeks as his warm breath is passing through my cheeks, my heart skips a beat. ayoko na talaga mga mamsh welp!
di ko napansin na tapos na pala yung practice nang dahil sa mga pangyayari, sa wakas di ako namatay dahil sa kilig djk hehe.
❝ALRIGHT 5 MINUTES BREAK!❞