napabuntong hininga nalang ako at kaagad kung in-off yung phone ko. kinakabahan na talaga ako kung paano ko sasabihin kay bambam na mahal ko siya baka kasi di na niya ako papasinin kung sasabihin ko sa kanya tong nararamdaman ko, di ko maiwasang maging nega sa kung anong magiging sagot niya.
kaya pinatay ko nalang yung tv at naghanda ng maisusuot kong damit. matapos kong maghanda ng damit ay agad din akong nagbihis baka kasi nagaabang na si bambam saakin sa baba, ayaw ko siyang paghintayin nang nakabihis na ako ay dali dali kong inayos yung sarili ko.
❝lisa nandito na sa labas yung love of your life mo.❞ love of your life amp, corny talaga ni unnie kahit kelan pero keleg ako hehe. lagi nalang akong kinikilig nu ba yan.
❝BILISAN MO!❞ dagdag pa ni unnie na nang gagaling sa baba. kaya dali dali akong lumabas ng kwarto ko at agad din akong tumakbo palabas.
at dun ko siyang naabutang nakasandal sa kotse na nakashades. (a/n; ampogi ni dablord HAHAHAHAHA.)
damn he's so hot in that black outfit. as usual.
he walk towards me and gently removed his shades and smirks. shet marupok po ako huhu.
napalunok na lang ako at bigla ko nalang binasag yung katahimikan naming dalawa.
❝uhm, l-let's go? s-shall we?❞ nauutal na sambit ko at kaagad niya akong pinakbuksan ng pinto. leche ba't ako nauutal, halata tuloy yung kaba ko.
nang nakaupo na ako sa front seat ay agad akong nag seatbelt. baka kasi siya pa yung magsuot nito saakin di ko kaya yun palagi ko kasing napapanood yan sa mga palabas sa tv. na ang lalaki yung nagsusuot ng seatbelt sa babae.
nang nakaupo na siya sa driver's seat ay kaagad siyang nagsimula ng pagmamaneho. tahimik lang yung biyahe namin hangga't sa makaabot na kami sa ospital.
▪▪▪
nakapasok na kami sa loob ng ospital at kaagad na pumunta don sa room ng mom niya.
❝lis pasok ka.❞ sambit niya gamit ang mahinang boses, at kaagad naman din akong sumunod.
pagkapasok ko sa loob ng room ay kaagad na tumumbad sa mga paningin ko yung naka ngiting mom ni bambam muntik na akong maiyak dahil kalagayan ng mom niya kasi sobrang payat na nito at namumutla pa.
❝son, ito naba yung girlfriend mo?❞ naka ngiting tanong ng mom niya at agad namang tumango si bambam.
❝yes mom.❞
❝upo ka dito ija.❞ alok ni tita at agad din naman akong umupo sa tabi niya.
❝grabe ang ganda mo ija. bagay na bagay talaga kayo ng anak ko.❞ sambit ng mom niya at nagka tinginan lang kaming dalawa, kaya ngumiti na lang ako.
❝s-salamat tita...❞ sagot ko naman.
❝nako mom nalang tawag mo sakin ija dahil simula ngayon i will treat you like my daughter.❞ sabi ng mom niya.
sa sinabi niya ay bigla ko nalang din naalala yung mom ko. tutulo na sana yung luha ko at buti nalang napigilan ko pa ito.
❝thanks mom...❞ sabi ko at hinalikan niya ako sa noo.
❝walang ano man anak.❞
❝ah, mga anak may sasabihin pa pala ako sa inyo ni bambam bago ako magpaalam.❞ dagdag pa ni mom
❝Mom! Wag naman po kayong ganyan!❞ pagpipigil ni bambam at ngiti lang yung isinukli ng mom niya.
❝it's fine son...❞
❝mga anak ko, malapit na akong mawala di ko na kaya unti unti na akong nanghihina, dahil sa matinding kalagayan ko. gusto kong sabihin sa inyo na mahalin niyo yung isa't isa... protektahan niyo yung isa't isa kasi ayoko na may umiiyak at nasasaktan sa inyo kung wala na ko gusto ko masaya kayo palagi, dahil nalulungkot din ako kapag malungkot kayo. sana di kayo maghihiwalay.. kasi malulungkot ako nun.❞
sa sinabi niya ay di ko maiwasang maiyak, kaya niligon ko na lang si bambam at nakita ko naman na umiiyak din siya.
❝y-yun l-lang m-mga a-anak a-at ma-magpapaalam n-na a-ako d-d-di ko na t-talaga k-k-kaya.❞ pilit na sabi niya the her eyes started to close gently.
❝MOM!!!❞
❝PLEASEEEEE GUMISING KA!!!❞
sa mga oras na yun puro hagulgol yung naririnig ko sa buong kwarto, at kasama na yung hagulgol ko dun dahil wala na si mom.. pumanaw na siya.
~~~
a/n; mas masakit pa sa breakup yung part na 'to, kasi pati ako naiyak din habang sinusulat ko 'to. cge iyakin na kung iyakin lakompake HAHAHAHAHA :'>