This chapter is dedicated to Emerald_Blake158,GURUSAKI,Modernong_Writer,RuriSy,A-nimsu,NynxBerde
Main characters:
•SUMMER GONZALES
•LOUIS ANDREI PASCUAL~
"Hindi ka magiging masaya kung hindi ka nakukuntento sa kung anong meron ka." -Unknown
SUMMER'S POVMid-summer na ngayon at ibig sabihin noon malapit na ang klase! Balik-eskwela na naman ang peg ng mga estudyanteng kagaya ko.
"Uy Sam! Sabay tayo bukas magpaenroll, ah." Nakangising sabi sa akin ni Lala, ang bestfriend ko.
"Oo, tutuloy muna ako sa amin. Sigurado kang 'di ka na papasok sa loob?"
Agad siyang umiling at umatras. "May importante pa kasi akong gagawin, e."
Tumango na lang ako at hinayaan na siyang umalis. Kitang-kita ko ang maitim na usok galing sa sasakyan nina Lala.
Ang init talaga, sabagay kasagsagan na ng El Niño dito sa Pinas kaya sobrang init. Kahit na takip-silim na ay mainit pa rin ang simoy ng hangin.
Pagpasok ko ay nakita ko si Lola na nagbuburda malapit sa may bintana habang nakasalamin. Tinungo ko siya at minasahe ng mahina ang kanyang likod. Ngumisi ako at agad na nakaisip ng pilyong idea dahil hindi niya napansin na nandito na ako.
"Apo! Muntik na akong atikihin sa puso dahil sayo!"
"Joke lang naman po iyon Lola, e. Tsaka ikaw pa po? Alam kong naaamoy mo na nandito ang nag-iisa at pinakamaganda niyong apo!" masayang tugon ko sa kanya.
Nagtawanan kaming dalawa ni Lola. Sa buong buhay ko, kami lang dalawa ni Lola ang palaging magkasama. Si Mama kasi nag-abroad at hiwalay sila ni Papa kaya todo kayod si Mama para masuportahan ang mga pangangailangan namin dito ni Lola. Wala naman akong sama ng loob kay Mama kasi ginagawa naman niya ang lahat upang buhayin kami ni Lola.
"Grade twelve ka na pala sa pasukan, Apo! Ang bilis nga naman ng panahon."
"Oo nga La. Di rin ako makapaniwala." ngumisi naman si Lola sakin.
"May boyfriend ka na ba, hija?" may bahid ng panunuya ang kaniyang boses.
Tumikhim ako. "Wala. Wala pa sa isip ko iyan La." naghagikhikan ulit kami ni Lola nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Sasagutin ko lang po." Tumango naman si Lola at lumabas na ako ng bahay.
"Hello? Sino ito?" unregistered number kasi ito.
"....."
"Hello?"
"......"
"Kung pinagtitripan mo lang ako, ibababa ko na ito." akmang ibababa ko na sana ang tawag nang magsalita siya.
"Summer..." banayad ang kaniyang boses.
"Huh? Sino ito? Stalker ka noh!" sigaw ko sa kung sino mang katawag ko.
"Easy. I'm just here to hear your voice. That's it." humalakhak siya bago nagsalita ulit.
"Who am I? Not important, Sam. Pakidelete nalang itong number ko." tsaka na niya binaba ang tawag.
BINABASA MO ANG
Seasons Of Love
Teen FictionKung HAPPY ka, maaari mo itong basahin. Kung BROKEN-HEARTED,pwede rin. Kung KUNTENTO, pwedeng-pwede rin syempre. Itong kwentong ito ay kinapapalooban ng apat na storya na tiyak na pupukaw sa inyong mga atensyon at damdamin.This is a compilation of o...