This chapter is dedicated to Emerald_Blake158,GURUSAKI,Modernong_Writer,RuriSy,NynxBerde,A-nimsu
Main Characters:
•KATHLEYA MARIAE FLORES
•JOSHUA GAYOSO
•ARIANNE LASTIMOSA~
Kahit gaano ka pa katalino, pag tinamaan ka ng pag-ibig NABALIW ka na, NABOBO ka pa."-Unknown
KATH'S POV
I love you,Kathleya.
~Perseus
Paulit-ulit kong binasa ang nakalagay na codename sa isang scratch paper. Sino ba talaga itong si Perseus? Pang sampung beses na niya itong sulat sa akin. Malamang, kaklase ko lang ito o nantitrip lang siguro.
"Kanina ka pa wala sa ulirat diyan! May problema ba?" tanong sa akin ni Marjanna, bestfriend ko.
"W-Wala, Marj. Medyo kulang lang sa tulog." sabi ko naman sa kaniya sabay pasimpleng tago sa maliit na scratch paper sa bulsa ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya napansin iyong hawak ko.
"Usap tayo mamaya. Andyan na ang prof nating panot!" tapos tumawa siya at dali-daling bumalik sa upuan niya.
Nakataas ang kilay ni Sir Oliveros habang tinitingnan kami, tahimik. Napako ang tingin niya sa akin. Mali, sa tabi pala ng upuan ko.
"Where's your seatmate, Ms. Flores?" masungit na sabi niya sa akin.
"I don't know, sir." kalmanteng sabi ko. Buti nalang at naitago ko ang kaba sa dibdib ko at hindi ako nagstutter!
"You should know. You're the seatmate and the GIRLFRIEND, afterall." nakangising sabi niya sa akin.
Tumawa ang mga kaklase ko. Umasta akong hindi naapektuhan. I rolled my eyes mentally. Sanay na kami diyan, palibhasa walang girlfriend. Hindi lang ako ang sinabihan niya ng ganoon. Pati rin mga kaklase ko but we don't care and we don't mind. It's none of his business na nagkajowa kami ng kapwa kaklase namin. Tsaka hindi naman sa lahat ng panahon ay magkasama kami ni Josh pwera na lang kung leave-in kami o mag-asawa na.
Ngumiti ako kay Sir at sinabing, "Yes, Sir. I will."
Trying my best to sound good and jolly. Seriously, nakakaubos talaga siya ng pasensya. Nangingialam.Nagsimula na siyang magdiscuss about sa lesson namin sa Economics. Seryoso kaming nakinig sa kaniya pero may kumatok sa pintuan. Pagkabukas niya ay iniluwa agad nito ang napakagwapong nilalang.
Napapikit ako agad dahil sa may kung ano sa tiyan ko. Kalma, Nics. Kalma! Si Josh lang iyan kaklase mo... at boyfriend mo.
"Sorry Sir, I'm late. Medyo traffic po kasi sa daan." tapos dumiretso na siya sa upuan na katabi ko.
Marami pang satsat si Sir pero pinaupo niya na na lang si Josh sa upuan na katabi ko.
Nagpatuloy na agad siya sa paglelesson. Kukuha na sana ako ng notebook para sana magtake down ng notes nang biglang nasagi ko ang kaniyang siko na nakapatong pala sa bag ko.

BINABASA MO ANG
Seasons Of Love
Genç KurguKung HAPPY ka, maaari mo itong basahin. Kung BROKEN-HEARTED,pwede rin. Kung KUNTENTO, pwedeng-pwede rin syempre. Itong kwentong ito ay kinapapalooban ng apat na storya na tiyak na pupukaw sa inyong mga atensyon at damdamin.This is a compilation of o...