This chapter is dedicated to Emerald_Blake158,GURUSAKI,Modernong_Writer,RuriSy,NynxBerde,A-nimsu
Main Characters:
•SHANICE ROMULO
•IAN ISAGANI MARGALLO~
"Akala ko mahirap magpanggap na mahal ko siya, pero mas mahirap pala magpanggap na hindi na kita mahal."-Unknown
SHANICE'S POV"OMYGOSH BES! NANDITO SI LESTER ONGPAUCO! SA SOBRANG HOT NIYA MALAPIT NA MALAGLAG ANG PANTY KO!" bulong sa akin ng bestfriend kong si Isa, isang machong bakla.
"May girlfriend na yata iyan. Wala ka nang pag-asa doon." sabi ko habang naglalakad kami papuntang cafeteria.
"BAHALA NA, BASTA BET KO TALAGA SI LESTER. IMAGINE, ISA SA MGA TAGAPAGMANA NG MGA ONGPAUCO'S, SOBRANG TALINO, UBOD NG GWAPO, SUPER DUPER HOT AND MANY MORE!" dagdag ni Isa.
"TUMAHIMIK KA NGA RIYAN, ISAGANI! NAKAKARINDI KA TALAGA! ANG LANTOD MO PO!" sabi ko sabay batok kay Isa.
Paano ba naman, sobrang lakas ng boses niya. Baka mapatawag pa kami sa guidance nito. Nasa kabilang hallway lang naman si Mr. President. Naku po! Si Lester pa naman ang SSG President dito sa amin at isa rin siya sa mga nagcocounselling. Sobrang hardworking niya kahit mayaman sila. Pero sobrang sungit din.
Yes, Isa or Isagani. Iisa lang po sila. Isang machong bakla at unang tingin mo pa lang sa kaniya ay maipagkakaila mong lalaki talaga siya. And he's not a cross-dresser kaya napagkakamalan talagang lalaki. Pero kahit ganyan 'yang bestfriend ko, lagi siyang nandyan tuwing may problema ako. He's one of a kind. Sobrang bait niya sa akin to the point na kung hindi talaga siya bakla eh papatulan ko talaga ang pagmamalasakit niya sa akin. Chos lang.
"Aray! Naku babe ang masokista mo talaga kahit kailan."
Ang kaninang malantod na tinig ni Isa ay naging husky at umasta siya na parang battered boyfriend. Pumungay ang kaniyang mata at tiningnan ako ng seryoso. Infairness, gwapo talaga ito si Isagani kapag hindi lang talagang malantod ang tinig nito. Brown eyes, mestizo, intsik din, matalino pero taob lahat ng iyan kasi bakla siya. Sayang talaga.
"Nafall ka na ba sa akin, Shan" bulong niya sa tenga ko na mas lalong nakapagpanindig ng balahibo ko.
Hindi na ako nakapagpigil. Sinampal ko siya ng librong dala-dala ko. Medyo malakas-lakas din iyon. Nabigla ako sa kaniyang sinabi. Tinawanan ko siya at tumakbo ako patungo sa cafeteria. Patay ako kay Isagani nito kapag nahuli niya ako. Ganito lang talaga kami magbestfriend. Iyong sa iba medyo nakakaoffend ang ginawa ko sa kaniya pero sa aming dalawa, hindi. Masaya kaya ito.
Takbo...
Takbo...
Takbo...
"Sht!" mura ko dahil may pumulupot na kamay mula sa beywang ko.
"What's your problem, Shanice?"
BINABASA MO ANG
Seasons Of Love
Teen FictionKung HAPPY ka, maaari mo itong basahin. Kung BROKEN-HEARTED,pwede rin. Kung KUNTENTO, pwedeng-pwede rin syempre. Itong kwentong ito ay kinapapalooban ng apat na storya na tiyak na pupukaw sa inyong mga atensyon at damdamin.This is a compilation of o...