Hace's Point Of View
*KRING KRINGGGG!*
Nag ring na ang bell,meaning na break na.Hinintay muna naming makalabas lahat ng mga classmates namin dahil ayokong sumabay sa kanila.Para pa naman silang mga nasa public place kung makakilos.
Tumayo na kami at lumabas na ng room.Naglalakad na kami ngayon papunta sa cafeteria.Oh,di na namin kailangan ng School map dahil kabisado naman ni Lexa ang pasikot-sikot dito.
Bumungad sa amin ang medyo maingay na cafeteria.Pansin ko din ang mga tingin nila sa amin ni Lexa.Oh well,transferee eh.O baka naman,inggit sila sa taglay naming kagandahan?
Tumungo si Lexa sa counter para umorder samantalang ako naman ang naghanap ng mauupuan namin.Medyo puno na din ang cafeteria at ang natitirang vacant seat na lang ay yung mahabang mesa.Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ako doon o hindi.May nakaupo na kasing isang lalaki doon.Pero madami pa namang bakante kaso nga lang sa table na yon.
In the end,napagdesisyonan ko na ding lumapit doon.No choice,eh.
"Hey,would you mind if i join you?"I asked.
Humarap yung lalaki sa akin.
Nakatalikod kasi sya sakin kanina.Itinuro nya ang sarili nya para makasigurado.Tumango ako bilang sagot.Pagakatapos noon ay muli syang tumalikod sa akin na akala mo naman hindi ko sya tinanong.Napairap na lang ako bago umupo.Hindi naman sya sinabing 'hindi pwede'.So I guess,pwede naman.
"Bro!"napalingon ako sa entrance ng cafeteria ng umingay doon.Oh,hindi naman ata sila artista?pero grabe ang mga babae dito kung tilian sila.
Nakangiting lumapit ang mga ito sa direksyon namin.Mukhang kaibigan nya yung masungit na lalaki.
"BROOOOOOOO!"napatakip ako sa tenga ng biglang sumigaw yung isa sa mga lalaki.Nag fist bump sila at tama nga ako dahil kaibigan nga nila sya.
"Oh,chixx mo?"napatingin ako sa nagsalita dahil nakatingin din sya sakin.Nakangiti sya sakin ng matamis maging ang mga kasama nya.
"No."tipid na sagot nung masungit na lalaki.Uh?I don't know his name,eh.
"Hi miss.I'm Ivan,ikaw?"lumapit sakin yung lalaking mukhang playboy,base sa pormahan nya.Inilahad nya ang kanyang kamay sa aking harapan.
"Hace."maikli kong sabi at iniwas ang tingin sa kanila.
Narinig ko pa ang pang-aasar nila doon sa Ivan dahil hindi ko tinanggap ang kamay nya.Just so you know,I don't do shake hands.
Itinaas ko ang kamay ko ng makita ko sa di kalayuan si Lexa.Mabilis nya namang nakita ako.Nakangiti syang pumunta sa pwesto namin.
"Oh,gosh!"nanlalaki ang matang nakatingin sya sa likoran ko kung saan naroroon ang isang grupo ng kalalakihan.Don't tell me,she know them?
"UY!Alexaaaaaa!"rinig kong sabay-sabay nilang sabi.Oh,so kilala nya nga at kilala din sya.
Nagyakapan sila at sabay-sabay na tumawa.Samantalang yung masungit na lalaki ay busy lang sa pag ce-cellphone.
Lumapit sakin si Lexa at hinila ako papalapit sa mga lalaking to."She's Aya Hace,my bestfriend."pagpapakilala nya sa akin.
Napansin ko naman ang pag-angat ng ulo nung lalaking masungit.
Tumingin sya sakin na parang kilala nya ko.