Noong bata si Erick, iniwan na siya ng kaniyang mga magulang dahil sa kakaharaping giyera laban kay Lord Infernocus pero nabigo lamang sila.
"Kailangan nating gawin ito, kahit mahirap, ayaw nating madamay siya sa gulo" ani ng nanay nito
"Pero 5 buwan pa lang siya, Amanda" ani ni Dan, tatay nito
"Paano niya makakayanan ang mabuhay ng mag-isa" dagdag pa nito
"Basta wala kang magagawa, kailangang hindi siya madamay sa gulo" Sabi ni Amanda habang pinipilit na huwag umiyak
"Bakit hindi kay Inay, matutulungan niya tayo" sabi nito
"Ayaw ko, sobra sobra na ang naitulong ng nanay mo, ayokong sabihin niya na umaasa lang ang pamilyang ito sa kaniya" sabi ni Amanda habang nakataas ang isang kilay
"Sa Perya ko dadalhin ang anak natin. Sasabihan ko si Tio Nardo, matagal na niyang gusto magka-anak" ani ni Amanda habang karga karga ang anak nitong umiiyak
"At yun na nga ang nangyari, iniwan ka dito ng mga magulang mo, kaya wag ka na magtampo sa kanila, ginawa lang nila iyon para di ka mapahamak" Wika ni Tio Nardo na nagpapahiwatig na tapos na ang kuwento.
"17 taon na kong nagtatanong sa inyo, bakit ngayon lang" Wika ng humahagulgol na si Erick
"Wala ka pa sa wastong gulang para sabihin ko sayo ang lahat" paliwanag nito
"Sabihin niyo kung saan ko sila mahahanap?" Sabi ni Erick sabay pagbagsak nito ng kamay sa mesa
"Akeinnah, dalhin mo ang mapa" Sigaw ni Tio Nardo
"Eto po, master" wika ni Akeinnah
"Nakamarka na diyan kung saan mo mahahanap ang pinangyarihan ng giyera, baunin mo ito, dalhin mo rin iring Caju Beans para tulungan ka Kung sugatan ka. Kung kailangan mo ng tulong, patugtugin mo lang ito, dadating ang isang kaibigan." Paalala ni Tio Nardo.
"Ang kapangyarihan mo ay ICE, laya umiwas ka sa Fire at Light City. Maaari kang mapahamak kung dadaan ka doon, mas mabuting ruta ang Wind, Water at Metal City" Dagdag ni Akeinnah
"Tatandaan ko yan, sige master salamat sa kuwento" ani ni Erick habang nakangiti
"Mag-ingat ka sa paglalakbay mo" sabi ni Tio Nardo
BINABASA MO ANG
Element Academy: The Academy of Heroes
FantasySi Erick ay teenager na nung malamang siya ay may kapangyarihan. Ang kaniyang mga magulang ay matagal nang nawawala matapos ang isang giyera. Umaasa pa rin siya na magbabalik ito, hindi siya maaaring mag-aral sa ordinaryong paaralan kaya nagdesisyon...