Matapos ang 30 minuto ng paglalakbay sa ere, nakarating na sila sa Academy.
"Nandito na tayo" ani ni Maya
"Huy" sabi nito, pero ang di niya alam nakatulog sa daan si Erick
"Naku, naku, naku" sabi ni Lula
"Master Lula, ito po si Erick ang elemento niya ay yelo, mabuti na lang po kayo ang dumating, hindi si Master Linus, manghihina siya" sabi ni Maya habang yumuyuko sa pangalawa sa pinakamagaling sa buong academy
"Yan ba ay isang hero? Patulog tulog lang. Gigisingin ko nga yan" wika ni Master Lula
"Paano po?" tanong ni Maya
"Ang element ko ay SOUND, heto't kunin mo itong cotton earphones ko, malakas ito" sabi nito habang ibinibigay kay Maya ang cotton earphones
"Gumising ka!!!!!!!!!!!!!" sigaw nito
Nagising agad si Erick matapos marinig ang napakalakas na sigaw
"Ahhhh! Nandito na ba tayo sa Academy?" tanong ni Erick na nagkukuskos ng mata niya
"Oo, at bat ka patulog tulog?" tanong ni Lula habang naka pameywang
"Erick, siya pala si Master Lula, siya ang pangalawa sa pinakamagaling dito sa Element Academy. Ang element niya ay SOUND, kaya naman kaya niyang umawit, sumigaw, o kaya maintindihan ang lahat ng nilalang kahit pa kapiranggot lamang ang boses na inilalabas nito" paliwanag ni Maya kay Erick
"Nakatulog po ako kasi po ang bilis po ng lipad ni Maya tas sumasabay po sa hangin at dahil sa preskong pakiramdam, nakaidlip po ako. Pasensiya na po Master Lula" pagpapaliwanag nito
"Ahhhh!!!!, bilis magpahid ka ng SUNBLOCK paparating si Linus, eto oh." dali daling sabi ni Lula
Dumating si Linus na kumakain ng sopas
"Oh, Lula, Maya at si....." Hindi matapos-tapos ni Linus ang sasabihin dahil hindi niya kilala itong binata.
"Linus, ito si Erick, ang element niya ay ICE, pinadala siya rito ni Warren" wika ni Lula
"Si Warren! Na-miss ko na ang kabarkada kong iyon. Pero samdali, Ice ang element mo, nagpahid na ba siya ng sunblock?" tanong ni Linus
"Oo, kaagad ko ngang pinapahid ng sunblock" sabi ni Lula
Si Linus ang Panglima sa pinakamagaling sa Academy, ang element niya ay Light, isang elemento na hindi pupuwede sa Isang hero na may element na Ice kaya nagdadala sila ng Sunblock.
"Heto, ibibigay ko na sayo ito, 3 bote ng sunblock at 5 bote ng fire resistant spray" wika ni Linus habang inaabot ang mga ito kay Erick
"Maraming salamat po, Master Linus" sabi nito
"Mabuti pa at dalhin natin siya kay Master Izzy
"Siya ang pinakamagaling na Master dito sa Academy, ang element niya ay Ice at Wind." Sabi ni Lula
"Ano pa pong hinihintay natin? Tara na!" Wika ni Erick na nasasabik na sa tuwa
BINABASA MO ANG
Element Academy: The Academy of Heroes
FantasíaSi Erick ay teenager na nung malamang siya ay may kapangyarihan. Ang kaniyang mga magulang ay matagal nang nawawala matapos ang isang giyera. Umaasa pa rin siya na magbabalik ito, hindi siya maaaring mag-aral sa ordinaryong paaralan kaya nagdesisyon...