Journey

1 0 0
                                    

Nasa kalagitnaan na ng daan si Erick, Nakakaramdam na siya ng uhaw matapos maubos ang baon niyang tubig.

"Nakakauhaw" banggit niya

Kinalkal niya ang bag niya at isang bagay ang kaniyang nakita

"Kapag kailangan mo ng tulong, patugtugin mo ito" Naalala ni Erick ang bilin sa kaniya ni Tio Nardo

"Ang plauta, makakatulong ito"

Pinatugtog niya ang plauta at tila dumilim ang langit

"Ngayun pa, bat babagyo" ani nito

"Hindi ako isang bagyo" ani noon

Natumba sa gulat si Erick

"IBON!!! Nagsasalitang ibon?" bigkas nito

"Hindi ako ibon" biglang nagliwanag at nawala ang ibon, sa halip ay isang magamdang babae ang sumulpot sa kanyang harapan. Nagliliwanag ito.
"Ako si Maya, ang element ko ay hangin, nararapat lang para sa isang tulad mo na yelo ang element. Halina't sumakay ka sa aking likod ng madala kita sa Academy"

"Academy?" tanong ni Erick

"Oo, ito ang academy para sa mga tulad natin, hindi tayo nababagay sa mga ordinaryong academy na ang mga itinuturo ay Matematika at Agham. Sa ating paaralan ay ituturo kung paano mo makokontrol at mapapalakas ang iyong element. Nararapat tayo roon" Sabi ni Maya

"Pero paano si Tio Nardo, ang mga kasama ko sa Circus?" sagot ni Erick na tila ba nag-aalinlangan

"Hindi ba nasabi sayo ni Warren?" ani ni Maya

"Warren? Sino si Warren?" Tanong ni Erick

"Sabi ko na nga ba eh, ang sinasabi mong Tio Nardo ay si Warren. Siya ang pangatlo sa pinakamagaling sa ating academy, pero isang araw nawala siya, nabalitaan naming nasa Circus na siya. Niyaya namin siya pero ayaw na niya, pagod na raw siya. Tubig ang elemento niya pero hindi mo nakikota kasi inaral niya ang orihinal na mahika." Kuwento ni Maya

Nagulat si Erick sa narinig niya,
Isang hero pala ang tio niya. Naiyak sa tuwa si Erick. Matapos, ay nag-transform na si Maya bilang isang malaking ibon at agad-agad na siyang sumakay rito.

Ngayon ay papunta na sila sa Academy....

Element Academy: The Academy of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon