Napatulala ako nang mabasa ko ang message ni Miya.
Seryoso ba siya?
Nanlamig ang mga kamay ko at tila ba hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.
"Wesley, anong ginagawa mo?" Tanong ni Kyla, tumabi siya sa akin at sumilip sa screen ng cellphone ko.
She's Kyla, 'yung kilalang Bangtaehyung sa rpw. Yung namomoser sa akin. Siya 'yung nag introduce sakin sa rpw kaya ako nandito ngayon. Sabi niya lumandi lang daw ako kasi masaya.
"Wala," agad kong tinago sa bulsa ang phone ko at tumayo para lumabas ng classroom.
"Oh, saan ka pupunta, Mr. Suizo?" Tanong ng prof namin na nakasalubong ko paglabas. Oras na kasi ng klase niya.
"Masama po ang pakiramdam ko, sir, uuwi na po ako" sagot ko tsaka ito nilampasan bago pa siya sumagot.
It doesn't make any sense. Akala ko ba ay gusto niya ako? Pinaasa niya lang ba ako?
Kinuha ko ang phone sa bulsa at nagsimulang magtipa ng reply kay Miya.
-
10:35am
信: I understand. Just be happy with him, alright?Miya: I will, Shin. Thank you.
-
Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Iyong puso ko ay para bang nahulog. Nanlalamig ang mga katawan ko.
Hindi ko iniisip ngayon yung reputasyong nagawa ko sa mundong 'yon. Kasi sa pagkakataong ito, mas iniiisip ko yung nararamdaman ko.
Masakit pala.
Nangangasim ang lalamunan ko, pilit pinipigilan ang mga luhang nais kumawala sa aking mga mata nang mayroong tumawag sa akin.
Yeppeo is calling...
"Shin? Okay ka lang? Nagchat sa akin si Miya," Bungad nito sa kabilang linya.
Hindi ako sumagot at isang buntong hininga lang ang iginawad ko. Grabe. Pinamalita niya pa talaga kaagad na inayawan niya ko. Haha.
"Do you really like her?" She asks, muli ay hindi ako sumagot at pinatay na lamang ang tawag.
Nahihiya akong umamin dahil ito ang unang beses na makaramdam ako nito. At sa roleplay world pa talaga.
Gusto kong tawanan yung sarili ko. Buong akala ko ay kilala ko na ang sarili ngunit hindi pala. Sinong mag-aakala na mahuhulog ako sa babaeng hindi ko pa nga nakikita sa totoong buhay? What a joke, diba?
Sumandal ako sa sa waiting shed at namulsa habang naghihintay ng jeep na hihinto sa harap.
Hindi ko na dapat siya hinabol noon pa, my nudes doesn't matter. Ilang beses naman na 'yon kumalat noon eh. Doon niya nga ata nakuha iyon. Siguro gusto ko lang laging manghingi ng atensyon sa kanya noon pa man.
Do I like her? Of course, I do. Hindi ko lang talaga gets kung bakit niya ko binlack mail noon, gano'n na ba talaga ako kalala? Guess this is my time to stop. For real.
-
信
just nowsigning off as wonu. tysm for supporting me yeorobun! 'til next time~
Layla, Naevis and 128 others likes this
view comments
Yeppeo: ?????
Minghaotobeyou: huh? biglaan naman?
Cora: wHAAAT IS THIS
BINABASA MO ANG
karma #1: game (rpw series / revised)
Short Story"Love? It doesn't exist. How about a game?" rpw series 1 // epistolary completed