end

13 0 0
                                    

Back then, I used to ask, is it really possible to fall into someone you haven't met in person?

"Huy, dalian mo na! Male-late na tayo!" Sigaw ni Yanna sa akin habang inaayos ko ang suit na suot.

Today is a special day kaya hindi naman pu-pwedeng mukha akong dugyot ngayon.

"Oo lalabas na ako!" Sigaw ko pabalik.

Nang makalabas ay nakita kong bihis na bihis sina Yanna at Lian. Nakaputing dress itong mga 'to na bagay na bagay sa kanila.

Tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagbabago iyong pagkakaibigan naming lima. Kung may isang bagay man akong hindi pagsisisihan sa pagpasok ko sa rpw, sila na siguro iyon.

"Tagal, grabe. Masyadong nagpapogi," reklamo ni Lian.

I chuckled, "aba syempre naman!"

Pumasok kami sa kotse kung saan naroon si Max, pulidong pulido ang suot nito na siyang nakakuha ng pang-aasar mula sa amin.

Nang makarating sa venue ay agad na sumalubong sa amin ang malalakas na alon kasabay ang malalakas na hangin.

Agad din naman kaming binati ng mga kamag anak at kaibigan.

"Gago parang ako pa ata yung ikakasal, kinakabahan ako!" Nakahawak pa si Lian sa dibdib, tila ba kinakabahan.

"Feelingera ka talaga!" Si Max.

"Grabe ka, Max! Purket ikaw ang ikakasal! Shuta sana all!" Si Yanna.

"Masyado ka kasing busy, di ka na tuloy nagka-lovelife," pang-aasar ko rito.

The usual Yanna, hindi na ata mawawala sa kanya iyong pasulpot sulpot. Buti nga at hindi siya nawawala sa mga importanteng gatherings kagaya nito.

"Nasaan na ba si Cora? Tagal ng babaeng 'yon! Ayun pinaka-jowang jowa noon, ayaw pa magmadali ngayon," Si Lian.

"Hay nako hayaan niyo na, nagpapaganda ito na kasi ang chance niya," ani Max sabay halakhak.

Umalis na rin si Max dahil tinawag na siya ng kanyang mga kamag-anak, nakipagkwentuhan siya sa mga ito kasama iyong mga kamag-anak ng mapapangasawa niya.

"Hoy, kumusta kayo?" Siniko ako ni Yanna, nakaupo na kami ngunit panay pa ang daldal nila. Siguro masyado nilang namiss ang isa't isa.

"Sakto lang," sagot ko.

"Anong sakto? Ano ka, coke? Korni mo talaga kausap," saad ni Lian sabay irap nito.

"Bastos ka talagang bata ka," saad ko rito.

"Anong bata? Naka-graduate na ko ng college, hoy!"

Ilang asaran pa ang naganap, talagang ayaw kasi nila magpatalo sa akin kahit na pikon naman silang dalawa.

"Asan na ba kasi si Carol?" Naiinip na sabi ni Yanna, palingon lingon pa ito.

Mayamaya pa ay inanunsyo na na magsisimula na ang kasal. At doon namin nakita si Carol— naglalakad ito sa gitna, suot ang magarbo niyang bistida at talagang nakaayos pa ang kanyang buhok. Halatang pinaghandaan niya ang espesyal na araw na ito.

Napakaganda niyang bride para sa ugok namin na groom.

Hindi rin namin alam kung kailan at paano nagka-developan ang dalawa. Basta nalaman na lang namin isang araw na ikakasal na sila! Mga hunghang na traydor ang mga gago.

Nahihiya daw kasi silang umamin dahil baka asarin namin sila. Hindi naman sila nagkakamali pero nakakabigla naman na malalaman na lang namin na may namamagitan pala sa kanila kung kailan ikakasal na sila!

"I didn't know when did I start loving you— I couldn't even take your silly jokes and your annoying face. I just find myself missing your presence— and that's when I find myself loving you each day, I didn't know you'll feel the same way," Carol giggled, "Maximus, you're the most annoying person I've ever met yet I'd like to spend the rest of my life without you, you complete my boring life. I love you."

I used to question myself about loving someone and I think I already know the answer now.

Itong mga kaibigan ko ang makakapagpatunay noon. I love them to the point na masayang masaya ako sa kung saan sila masaya.

Also, seeing how happy Carol and Max while sharing their vows made me think that love is real.

They do deserve all the happiness in the world. Yes, including Yanna and Lian who's already crying here beside me. Hindi ko alam kung na-touch ba sila sa vows ng dalawa o naiiyak dahil sa inggit.

"You may now kiss the bride."

"Yuck puta," napatakip ng mata si Lian nang halikan ni Max si Carol. Yanna and I chuckled.

Nang natapos ang kasal ay dumiretso kaming lahat sa lugar kung saan ang reception. Muli ay inayos ko ang aking suit.

"Hoy ikakasal na ko!" Lian tucked her hair behind her ears habang feel na feel na hawak iyong bulaklak na nasalo niya kay Carol.

"Okay congrats," sagot ko. She looked really pissed kaya tinapakan ako nito, napangiwi ako sa sakit. Gago yung paa ko!

"Pwede ba kami sumama sa honeymoon?" Tanong ni Yanna nang lumapit sina Max at Carol sa seat namin.

"Haha gago ka ba, ano ka chix?" Si Max, tarantado talaga. Siniko ito ni Carol.

"Sure—" tinigil ni Max ang sasabihin ng asawa kaya natawa kami. Si Carol talaga kahit kelan.

"Huy ano ka ba, nagbibiro lang ako!"  Yanna laughed loudly sa sobrang tuwa sa narinig.

Wala talaga siyang hiya, buti na lang malakas ang tugtog kaya di siya gaanong narinig ng iba pang mga bisita.

"Gagi ayokong sumama 'no! Tigang na tigang na nga ata 'yung isa dyan tapos iistorbohin ko pa kayo," dagdag pa niya. Namula ang mga pisngi ni Carol bago lumingon kay Max na nakangisi. Ang babastos, ayaw rumespeto sa single.

"Kayo, kelan niyo balak ikasal? Lalo ka na, Wes?" Tanong naman ni Max, napakamot ako sa batok. Bakit ako? Wala nga akong jowa, ikakasal pa.

"Pwede bang jowa muna?" Tanong ko, tumawa naman sila.

I might do believe in love pero siguro saka ko na iisipin ang pagkakaroon ng jowa, mas focus ako sa career ko.

"Bakit kaya hindi na lang kayo ni ate Yanna?" Si Lian, nakunot ang noo namin ni Yanna bago nagkatinginan sa isa't isa na may halong pandidiri.

"Ew wag na 'no!" Sabay naming sabi.

Iyong tatlo naman ay inasar kami. Haha kahit si Yanna na lang ang babae sa mundo ay hindi ko siya papatulan. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

Kaunting asaran at kwentuhan ang nangyari, kasunod noon ay ang maikling seremonyas sa bagong kasal, nagkaroon pa nga ng mini games kung saan sinali kami.

Hindi ko alam kung bakit ako ang laging sinasali ng mag asawa na 'to, naeexpose ako. Joke. Kung kani-kanino nila ako ipinapares, mukha ba akong paresan? Tuwang tuwa naman si Lian at Yanna dahil safe sila! Jusko naman.

Nang matapos ang party ay naghiwa-hiwalay na rin kami ng daan. It was such a beautiful night. Sinundo na si Lian ng boyfriend niya at si Yanna ay sinundo ng manliligaw niya kaya mag-isa ako ngayon na nasa parking.

"Excuse me, ikaw 'yung partner ko kanina, right?" A woman appoached me, siguro ay halos kasing edad ko lang ito.

Matangkad siya, iyon ay dahil hanggang balikat ko siya, 6 foot kasi ako. Kulay silver ang bodycon dress nito na kita ang likod, mahaba ang itim na itim ang buhok at kayumanggi ang balat. She's stunning.

"Ah, yes, I'm—"

"Wesley, yes I know you," she smiled at nakipagkamay pa sa akin. Malambot iyong mga kamay niya, "I'm Miya, Carol's cousin. Nice to meet you."

- end -

karma #1: game (rpw series / revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon