eleven

61 1 2
                                    

Halos pitong oras na ako sa shed, nauna na rin umuwi 'yung mga blockmates ko sa akin. Naabutan pa nga nila ako rito. Binati nila ako ngunit tanging tipid na ngiti lamang ang tanging maibibigay ko.

Hindi ko naman aakalain na ganito pala 'yung sinasabi nilang heartbreak. Parang pinipiga ang puso ko, hindi ako makahinga sa sakit. Grabe. Naranasan ko pa talaga ito sa babaeng hindi manlang naging akin.

Pero imagine, sobrang daming babae na rin pala ang naging ganito nang dahil sa akin. I guess this is my karma? I deserved this, right? Dahil parang laro lang ang tingin ko sa pag-ibig, nakahanap ako ng katapat ko na pinaglaruan din ako.

Sa gitna ng aking pag-iisip ay may babaeng tumabi sa akin. She tucked her hair behind her ears in a flirty manner bago inilahad ang kamay sa akin.

"Hi, new lang ako rito eh, anong name mo? Can I call you mine?" She bites her lip na tila ba nang-aakit.

Napakunot tuloy ang noo ko. Adik ba 'to? Nagdadrama ako rito, bigla niya akong lalapitan para mag pick up line?

Naningkit pang lalo ang mga mata ko nang makilala kung sino iyong babaeng nasa harap ko.

Kulay brown ang buhok nitong mahaba at singkit ang mga mata.

"Cora?" Halata ang gulat niya nang banggitin ko ang pangalan niya sa app.

"Omg sino ka?" Tanong nito.

"Ako si—"

"SHIN! HOY WESLEY!"

Lumingon ako kung saan nanggagaling iyong sigaw. Laking gulat nang makitang iyong mga kaibigan  ko pala sa rpw iyong tumawag sa akin.

"Omg ikaw pala si Shin!" Tinakpan ni Cora ang kanyang mukha sa kahihiyan.

"Oo gago,"  sagot ko naman habang tumatawa.

"Pakyu ka talaga, Carol! Hinahanap ka namin nauna ka na pala!" Sigaw ni Layla kay Cora nang makalapit siya sa amin.

Naka-pigtails ang buhok nitong maikli at bilugan ang mga mata. Mayroon din siyang malalaking mga ngiti sa mga labi. Her aura screams how young she is.

Sunod na nakalapit ay si Yeppeo, si Yanna. Mahaba at wavy at tsokolate nitong buhok. Mapupungay ang nga mata at nakakasilaw ang puti. Babad ata siya sa kojic.

"Oh, Yanna, pupunta kang lamay?" Bati ko nang makalapit ito. Itim na itim kasi ang suot niya.

Inismiran ako nito, "oo gago patay kasi puso mo,"

Awts pain pighati lumbay hinagpis kirot sakit iyak lungkot dalamhati talagang pinaalala pa nga talaga.

"Ay grabe foul naman 'yan!" Pang aasar pa ni Lian (Layla).

"Oh tara shot na," saad naman ni Max, si minghaotobeyou. Kinakaway na nito ang pera sa harap ko. Ang yaman talaga.

Naka oversized tee lang ito at shorts. Nag rubber shoes lang din siya at nag cap. Nakakalula nga dahil mas matangkad pa siya sa akin.

"Gago minor ako!" Sigaw ni Lian, nakabusangot ito kaya tinawanan namin ito. Oo nga pala, she's a minor. Pero mas matangkad pa siya kina Yanna at Carol.

"True, sinundo ko pa 'yan sa kanila!" Komento naman ni Carol, "jusko akala ng nanay niya kaklase ko siya."

"Bakit pala kayo nandito?" Tanong ko.

Nagtataka pa rin kasi ako kung bakit sila nandito, ang bilis din nilang nagpunta.

"Hello? Naalala mo 'yung pustahan? Tara na, ililibre ka namin," kumumpas ng kamay si Max, niyayaya ako.

"Huy bilis! Hanggang nine lang si Lian!" Saad naman ni Carol.

Tumango ako at sinabayan na silang maglakad.

Dinala ko na lamang sila sa pinakamalapit na mall at nagpunta sa arcade. Naglaro, nagkantahan, sumayaw at kung anu-ano pa. Napaka ingay namin kaya pinagtitinginan na rin kami ng mga tao.

"Hoy gago pwede ba talaga ako rito?" Tanong ni Lian nang isakay namin siya sa carousel pambata.

"Oo pwede 'yan!" Giit ni Max bago hinulugan ng sampung token yung carousel.

Isang staff iyong lumapit sa amin at pinagalitan kami, nakipagtalo naman si Max dahil naghulog nga naman daw siya ng token. Pakiramdam ko ay di na ako makakabalik dito sa arcade na ito sa susunod sa sobrang kahihiyan sa mga kasama ko.

Nang magutom ay sa fast food restaurant na kami kumain kung saan kaunti yung pila. Tawag na kasi nang tawag iyong nanay ni Lian at pinapauwi siya.

"Sorry talaga guys, huhu, super saya pa naman!" Lian looked really upset nang ihatid ko sila sa bus stop.

Malayo pa ang byahe nila kaya naisipan na lang nilang ihatid si Lian bago umuwi. Baka raw kasi mapagalitan pa.

"Okay lang 'yan, may next time pa," I assured her.

"True pag broken ulit siya," pang-aasar ni Yanna, inismiran ko ito. Gago gusto ulit akong mabroken.

"Hope you had fun, Wes!" Tapik ni Carol sa braso ko, tumango ako.

"Oo naman, salamat sa inyo," sagot ko.

"It was Yanna's idea," kwento ni Max, "tumawag daw kasi siya sa'yo kanina pero di ka nagsasalita, nalaman niya lang din lahat doon kay Mi—"

"Wag mo na banggitin pangalan!" Saway ni Yanna rito. "Anyway, Max, sana magheal ka kaagad, tsaka tandaan mo na nandito kami always para sa'yo,"

"Weh once a month ka nga lang mag online," Singit ni Lian.

"Alam mo bata, panira ka ng moment," si Carol.

"Hahahaha putangina, mga tanga pa rin in real life," si Max.

Matagal bago nagkaroon ng bus, medyo mahirap pa ang magpaalam kasi ilang oras lang kaming nagkasama sama pero yari yung bunso kaya pinagmadali ko na silang sumakay.

I had so much fun with them. Tila ba kahit papaano ay naibsan nila iyong sakit na nararamdaman ko.

Isang pamilyar na pigura ang nakatayo sa harap ng gate namin nang makauwi. Agad itong tumayo nang makita ako.

"Kyla? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

Batid ang pagkalito nito dahil kung saan saan ito tumitingin, maliban sa akin.

"Wes, may aaminin ako."

To be continued...

karma #1: game (rpw series / revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon