RAGE's POV
"Anyare pre?" Tanong sakin nila Lexus pagkarating ko sa tambayan namin.
Uwian na, pero buong maghapon di ko na ulit nakita si Casey.
"Edi ayon! As usual! Yung mga fangirls na naman niya" sabi ni Raven.
Oo kasama ko siya ngayon, hindi siya tumuloy dun sa shopping nila ni mommy.
"Hi lil sis!" Bati sa kanya ni Raver kaya pumunta siya dun at yumakap.
Close din yang dalawa na yan.
"Balita ko kasama si weirdo dun?" Tanong ni Laurence.
"Weirdo?" Naguguluhang tanong ni Raven.
"Si Casey kung kilala mo" sagot sa kanya ni Steve.
Medyo nagulat naman siya dun.
"What? Ate Casey is not weirdo! Duhh" huh? Ate huh?
"Pano mo naman nalaman aber?" Tanong ko.
"She's nice! Kinausap ko siya kanina pagkagaling natin ng guidance. Hindi lang siya ngumingiti. Tss! Actually, she's pretty too"
"Tss! No she's not, Rave!" Natatawang sabi ni Steve.
"Don't call me Rave!"
Nag asaran pa sila habang ako, iniisip ko yung nangyari kanina.
So kung hindi siya kasama sa mga fangirls ko, bakit siya napasama sa gulo?
"Alam mo ba yung reason kuya?" Tanong sakin ni Raver.
Umiling naman ako. Hindi ko alam kung bakit. Usually kase kaya nag aaway yung mga yun, may nakakita sakin na may kasamang isa sa kanila.
"Well, ako alam ko" sabi ni Raven kaya tumingin ako sa kanya.
"What?"
"Because of this" pinakita niya sakin yung hawak niya na picture.
Ito yung kahapon, yung sinisitsitan ko siya.
Aba! May mga secret agent pala sa room namin.
"Sino kumuha nito?" Tanong ko.
Nagkibit balikat naman siya "I dont know. Kinuha ko lang kay Chloe yan"
"Pre! Mukang ang daming matang nakatingin sayo palagi ah. Hahaha disadvantage of being the 'School Heartthrob'" nagtawanan naman sila sa sinabi ni Lexus.
Psh!!
"So what? Gagawin ko parin yung plano natin"
"Plano? Anong plano kuya?" Tanong ni Raven.
"It's none of your business!" Asar ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng irap mula sa kanya.
Umuwi narin kami pagkatapos ng isang oras.
Nakatulog si Raven sa kotse kaya ako na nagbuhat sa kanya at hinatid sa kwarto niya.
Bumaba naman ako pagkatapos at naabutan ko si Mommy na nasa kusina.
"Hey mom!" I kiss her cheeks.
May nilapag naman siya na cookies sa lamesa at chocolate drink.
"Napapunta ka na naman daw sa guidance?" Sabi ko na nga ba at malalaman din niya eh!!! "Raven told me" RAVEEEEEENNNN!!!!
"Wala naman akong kasalanan mom" sabi ko tsaka kumagat sa cookies.
"Oo nga. Pero ng dahil sa mga babae na nagkakandarapa sayo sa school. At kailan ka pa gumawa ng mga fangirls mo aber?"

YOU ARE READING
A Little Too Much
Ficção AdolescenteShe's not ordinary, but she's normal. She's just the WEIRDO type ika nga nila. Marami siyang rason sa buhay kaya may mga bagay na hindi niya ayang gawin, kahit ang simpleng 'pagngiti'. Until the famous heartthrob of their school enters her strange l...