Chapter 1

3 0 0
                                        

RAGE's POV

"OMYYYYYY!!!"

"He's here!"

"Sana kaklase ko siya!!"

"Kaklase natin!!! Wag kang shellfish!"

SHELLFISH? wadapak!

Well, kung tatanungin nyo... Mga babae ko yan hahahahahaha.

I mean mga babae na nagkakandarapa sakin. Mga fans ko!!!

Bumaba na ako sa mamahalin kong kotse at tinanggal ang shades ko.

Nakatulala lang sila sakin na parang isa akong nagliliwanag na bagay sa kanila.

I'm shining naman talaga, psh!!

Ngumiti ako sa kanila tsaka kumindat at umalis na.

Narinig ko nalang na nagtilian sila ilang minuto na ang nakalipas.

Ngayon lang sila nakarecover? Psh!

"Pare! Buti hindi ka late. Patay ka na naman kay Ms. Vargas pag nagkataon"

Si Laurence, tropa ko. Kasama din niya sina Steve, Lexus, at yung kapatid ko na si Raver.

Umupo ako sa upuan na nararapat sa akin BWAHAHAHAHAHAHA!!!

"Lagi namang mainit ang ulo sakin nung matandang yun." sagot ko kay Laurence.

Napailing iling naman sila at maya maya lang ay dumating na nga si Ms. Vargas.

Ako na naman ang pag iinitan nito for sure --_--

"You're not late Mr. Hillenburg huh?" Mataray na sabi niya sakin.

Ngumiti nalang ako kahit gustong gusto ko na siyang patalsikin sa school na pag mamay ari namin. Nako!!

Kung hindi lang talaga malapit na kaibigan ni Lola to, matagal na siyang wala sa pribadong paaralan namin.

Pagkatapos niya akong tarayan, tumingin naman na siya sa harap.

Mabuti yan ng hindi lang ako ang pag initan mo!!

"Anyway class, may bago kayong kaklase" sabi niya at tinignan yung card ata. "Well, maganda ang records pati ang grades"

Psh... Baka maging pabibo naman yan! At kung lalaki siya, di niya parin maaagaw ang trono ko!!! BWAHAHAHAHAHA!!!

"Lalake ba, Ms?" Tanong ng kaklase kong babae na mahilig sa mga pipityugin make up. Pshh!!!

"Ang hilig mo sa lalake! Kung hindi ka pa man din hipon! Kapal mo!"

Nagtawanan yung buong klase dahil sa sinabi nung katabi niyang lalake.

Totoo naman yun. Hindi ko nga lang nasabi dahil wala pa ako sa mood mang asar at manakit ng damdamin ng iba. Lalo na't si Ms. Vargas pa yung teacher. Tsk tsk!!

"Quiet class!!" Tumingin naman siya sa may pinto at may sinenyasan.

Pumasok sa loob ang isang babae na nakasuot din ng uniform ng school.

Hindi naman siya matangkad, sakto lang siguro yung height niya. Hindi rin siya mataba at payat, sakto lang din.

Hanggang bewang yung straight na buhok niya.

Teka... Bakit ko ba nilalarawan? Psh!!

"Ms. Please introduce yourself" nakangiting sabi ni Ms. Vargas sa kanya, pero hindi man lang siya gumanti ng ngiti.

Bungi siguro to.

Tumingin siya sa harap tsaka nagsalita.

"I'm Casey Lim" pagkatapos ay tumingin siya ulit kay Ms. Vargas.

A Little Too MuchWhere stories live. Discover now