RAGE's POV
"Pre! Bakit ata wala kang eksena ngayon?" Tanong sakin ni Laurence, pagpasok ko sa tambayan namin.
"Oo nga! Hindi ka rin napapapunta sa Guidance Office." sabat naman ni Steve na naninimawa sa Chips.
"Aba't gusto niyo pa talaga yung ganun no?" Sabi sa kanila ni Raver.
"Hindi naman. Naninibago lang kami" sumang ayon naman sila sa sinabi ni Lexus.
Ako man, naninibago sa sarili ko. Hindi na kase ako madalas mambully. Ewan ko ba!
Matapos yung araw na nakita ko si Casey na nangtatrabaho sa isang restaurant bilang janitress, hindi na ako madalas mang asar.
Hindi ko alam kung bakit. Nang dahil lang dun nagbabago na ko? Psh! No way! Over my dead hot body!
Isang linggo na yung nakalipas simula nung mangyari yun. Pumapasok naman siya araw araw kahit minsan nakikita ko siya na gabi na kung umuwi. Nadadaanan ko kase yung restaurant na yun kapag nag ba-basketball ako, eh minsan ginagabi narin ako kaya nakikita ko siya. Pero di ko sinasabay no! Mamahalin yung sasakyan ko, mga kapatid ko lang at parents ko ang pwedeng sumakay dun.
Nakaka perfect pa nga siya madalas sa mga quizzes kahit minsan surprise quiz yun. Pero hindi man lang siya nag re-react na masaya siya. Tahimik lang siya habang pinapalakpakan.
Napaka weirdo talaga!
"Hoy!"
"Ay Lim!"
Bwisit naman tong si Raver!
"Anong Lim? Ikaw kuya ah? Iniisip mo si Casey no?" Nang asar pa ang loko. Pero ano daw? Nasabi ko ba talaga yun?
"A-anong L-lim? Baka ikaw ang nag iisip dun! Wala nga akong nababanggit no" sabi ko nalang kahit ang totoo, nasabi ko talaga yung LIM.
Eh kase naman eh! Psh!
"Oo na nga lang." sabi niya.
"Tara na nga! Kung ano ano pinagsasasabi mo" nauna na ako sa kanilang maglakad para iwas issue. Mag tatanong na naman yang mga yan eh!
"Define Brahmanism" mahilig talaga sa mga define define tong teacher na to.
Napansin ko na walang nagtataas ng kamay, at napansin din yun nung teacher namin kaya kinabahan ako.
Kapag ganun kase titingin yan sa attendance sheet tapos mag ra-random call. Psh!!
Wala pa naman akong dalang dictionary! At hindi rin pala siya nagpapadala nun, kailangan daw kabisado yung mga tinuturo niya. Psh!
"Mr. Hillenburg?" NUBAYANNN!!
tumayo ako at humarap sa kanya.
"Yes?" Nakangiting tanong ko, baka tablan siya ng charming ko.
"Define Brahmanism." striktong sabi niya.
Napakamot naman ako sa ulo ko at yumuko, dahil di ko alam yung sagot.
*knock knock*
Saviooooor!!!
"I'll be back. Ikaw parin ang sasagot Mr. Hillenburg" nubayaaaannnn!!!
Pumunta siya sa pinto at may kinausap, ako naman nakayuko parin.
Wala kase sila Steve dito eh! Magkakaiba kami ng section kapag ganitong Thursday.
Nakatingin naman silang lahat sakin, ako nakayuko parin at naghihintay ng himala.
"*ehem*" napatingin naman ako sa kanan ko at nadatnan ko si Casey na may hawak na papel na nakatago sa ilalim ng mesa niya, pero nakikita ko.

YOU ARE READING
A Little Too Much
Novela JuvenilShe's not ordinary, but she's normal. She's just the WEIRDO type ika nga nila. Marami siyang rason sa buhay kaya may mga bagay na hindi niya ayang gawin, kahit ang simpleng 'pagngiti'. Until the famous heartthrob of their school enters her strange l...