Bakit Nga Ba?

3 0 0
                                    

"BAKIT NGA BA?"

Ilang taon na ang nakalipas,
Halika't balikan ating nakaraang kumupas
Mga matatamis mong salita
Nakatanim pa rin sa'king isipan

Mga ala-ala nating nagdaan
O kay sarap lamang balikan
Mga palitan ng yakap at halik
Hanggang ngayon ako sayo parin ay nasasabik

Masaya naman tayo noon diba?
Nagmamahalang tunay
Pero bakit nga ba,
Bakit tayo naghiwalay?

Mga pangako mong napako
Ang punong inukitan ng puso
Paulit-ulit na tanong sa aking sarili, bakit nga ba?
Ano ang nangyari sa ating dalawa?

Ikaw lang mula noon at hanggang ngayon,
Ang mamahalin at pangakong iibigin
Mga haplos mong nakakakilig
Nagpaparating na ako'y sayo lamang

Pero bakit sa panahong lumilipas
Pag-ibig mo rin ay kumukupas
Mga haplos, yakap at halik na nakakakilig
Unti-unting napapalitan ng panlalamig

Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa
Kaya aking kamay iyo ng binitawan
Mga tanong na wala pa ring kasagutan
Hahayaan na lang maglahong parang bula

Baka nga ako'y nagkulang
Kaya't ikaw ay nagsawa
Kasagutan sa tanong na "Bakit Nga Ba?"
Babaliwalaing tuluyan

"BAKIT NGA BA?", tanong nila,
Isasagot na lamang ay;
"MAHAL KO SIYA."

Thoughts And PoetriesWhere stories live. Discover now