Ating Tagpuan(Part 1)

11 0 0
                                    

"Ating Tagpuan"

Part 1:
Girl's

Andito tayo sa gitna ng hardin
Mga makukulay na bulaklak kumakaway sa atin
Sa ilalim ng puno, nakahiga sa damuhan
Tinatanaw kagandahan ng kalangitan

Mga bata pa lamang ito na ating tagpuan
Inaabot ng gabi sa paglalaro ng tagu-taguan
Hindi iniinda ang pagod, basta ang mahalaga
Tayo ay magkasama

Sa paglipas ng buwan, hindi inaasahan
Dito sa ating tagpuan tayo'y magsasalo ng kasayahan, kalungkutan at tampuhan
Hindi na kailangan isipin pa ang sasabihin ng iba
Basta ang alam ko sa piling mo ako'y masaya

Hindi nalalaman kung ano itong nadarama
Pagbilis ng pintig ng puso,  kulang ang araw ko kung wala ka
Dito, dito mismo sa ating tagpuan
Ipapahayag sa'yo pagmamahal na walang hanggan

Sa ating tagpuan, sa gitna ng hardin at makukulay na bulaklak
Dito, dito ibinaon ating masasayang ala-ala
Dito sa ating tagpuan una mong ipinadama sa akin ang iyong pagmamahal na walang kapantay
Dito, dito mismo, sa ating tagpuan sa gitna ng hardin at makukulay na bulaklak

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana
Hindi inaasahan na ika'y lilisan
Lilisanin bansang sinilangan para sa kinabukasan
Hindi nalalaman  kung hanggang saan dadalhin nitong ating pagmamahalan

Nakatayo sa aking harapan
Ikaw sa aki'y ngumiti na para bang walang problemang kakaharapin
Luha sa aking mata'y namumuo, kaya't ako'y iyong hinagkan
At linisan na nga ang bayang sinilangan ngunit iniwan ang iyong puso sa akin

Dala-dala iyong habilin bago umalis at hanggang ngayon
Mga labi mong sinasambiy ang mga katagang:
"MAHAL KITA, HINDI MAN TAYO MAGKITA NG MATAGAL NA PANAHON, MANANATILI KA SA PUSO KO KAILANMAN."
"ITO ANG AKING PANGAKO, TAYO'Y MULING MAGKIKIYA, DOON SA ATING TAGPUAN"
....
Matagal na panahon na ang nakalipas
Patuloy na binabalikan ating tagpuan
Nagbabaka-sakaling ika'y bumalik
At dito sa ating tagpuan ika'y nasasabik

Araw, linggo, buwan at taon na ang nagdaan
Hindi na mabilang kung gaano katagal ako sayo'y naghihintay
Umaasang babalik at hindi na muling lilisan
Ngunit isang balita pala ang dudurog sa aking puso, ang balitang ika'y naaksidente at hindi na makaalala

Ano pa ba aking aasahan?
Isip at puso mo'y nakalimot ng tuluyan
Hindi na aasang ikaw ay babalik
Kahit sayong mga yakap ako'y nasasabik

Dito sa ating tagpuan na ito
Ito unang nakatunghay ng aking sakit na naramdaman
Kaya dito na rin sa ating tagpuan kung saan unang beses sinambit ang mga salitang "MAHAL KITA"
Dito na rin iiwan ang sakit at pait ng ating nakaraan

Dito sa ating tagpuan, ibabaon ating masasayang ala-ala
Na nagbigay-lakas sa akin noong ikaw ay lumisan
Dito sa ating tagpuan, sa gitna ng hardin at makukulay na bulaklak
Tuluyan kang papakawan at bibitawan iyong puso na akin ay iniwan

Magpapatuloy lumaban kahit nasasaktan
Lumilipas ang panahon, hindi ko namamalayan
Dito pala sa ating tagpuan, sa gitna ng hardin at makukulay na bulaklak
Matatagpuan aking mamahalin habang buhay.

Thoughts And PoetriesWhere stories live. Discover now