Prolouge

18 0 0
                                        

"Z! Look at this! Look at this!" Sigaw ng batang lalaki habang tumatakbo sa playground. May dala dala itong papel na may naka ukit na isang babae at lalaking nasa dagat habang magkayakap, pinapanood ang papalubog na araw.

"G! Jusko! Wag kang magmadali, baka madapa ka!" Sigaw din ng isang batang babae, nagmadali itong lumapit sa batang lalaki upang sa ganoon ay matigil na ito sa pagtakbo.

Hingal na hingal ang batang lalaki habang ipinapakita ang kaniyang inukit, "Look! I draw this! Maganda ba?" Masayang tanong ng batang lalaki. Nakangiti ito ng sobrang lawak. Kakaiba ang ngiti neto na animong may pinupusuan.

Inabot ng batang babae ang iniaabot ng kaibigan. Namamangha itong napatingin sa batang lalaki matapos makita ang nakaukit sa papel.

"Ikaw ba ang umukit neto?" Nakangiting tanong ng batang babae, tumango ito, "Napakagaling naman! Sino ba ang mga ito?" Dagdag pa niya.

Inakbayan ng batang lalaki ang batang babae, "Tayong dalawa yan, Z! Kapag natapos ang kasal natin in the near future, pupunta tayong dagat at pagmamasdan natin ang papalubog na araw na nagsisimbolong sa unang gabi nating magkasama bilang magasawa, iyon na ang unang kabanata nating dalawa . At gagawa tayo ng sarili nating pamilya, at sa pagkakataong iyon, isasama natin sila sa dagat at pagmamasdan naman natin ang paglabas ng araw na nagsisimbolong, ito na ang bagong pagsubok na kakaharapin nating dalawa, kasama ang mga anak natin, Zhat." Seryosong sambit ng batang lalake. Halos mapaluha ang batang babae sa binanggit ng kaibigan. Hindi neto akalain na ganoon na ang kaniyang pagiisip sa murang edad.

"Ipangako mong aabutin natin ito ha? Walang bibitaw, Zhat. Kahit anong mangyare, walang susuko ha?" Dagdag pa neto. Inihaya neto ang hinliliit neto.

Nakangiting inabot ng batang babae gamit ang hinliliit din neto, "Pangako! Aabutin natin yan, Gab. Walang titibag! Aha!"

Natawa silang pareho, at nagyakapan sa gitna ng papalubog na araw.

I Didn't Notice Where stories live. Discover now