Chapter 2

10 0 0
                                    


Zhat's POV

Hanggang sa pinagtratrabuhan kong convenient store ay hindi ako makapagtrabaho ng maayos kagabi. Sinita pa ako ng kasama ko, bakit daw ay balisa ako.

kahit noong dinala na ni gab yong mga materials kagabi ay tahimik lang ako. dismayado din ako kagabi dahil akala ko uusisain niya ako kung bakit tahimik ako.

Wala akong tulog kagabi, ni isang oras ay wala. Iniisip ang sinabi ni Kissabelle, nagtatalo ang puso't isip ko kung pupunta ba ako sa Pangasinan o sa bahay nalang nila Gab.

Mahalaga sila pareho, pwedeng sama sama nalang kami sa pasko at bagong taon?

Kaso hindi pwede, mahina na si Mama. Hindi na niya kakayanin ang bumyahe papunta dito sa Manila.

"Huy Zhat! Ano bang nangyayare sayo? May sakit ka ba?" Nagulat ako ng hawakan ako sa noo ni Gab. Nagugulat na lumayo ako sakanya at tinapik ang kamay niya.

Kakaiba ang kamay mo Gab. May kuryente.

"Ah-ah-ah ayos lang a-ako." Iniwas ko ang tingin ko sakanya, wala ako sa tamang pag-iisip ngayon. Masyado akong balisa at ang makinig sa Prof namin ay hindi ko na napagtuunan ng pansin kaya ng magquiz kami ay 5 out of 20 lang ang nakuha ako.

Maraming nagtaka kung bakit lima lang ang nakuha ko. Pati ang Prof namin ay halatang dismiyado sa nakuha kong marka.

Dahil sa tuwing may activity o kaya exam ay ako ang nangunguna kaya hindi na nakapagtatakang ganon ang kanilang reaksyon ngayon.

Sa sobrang pag-iisip ko, ni hindi ko na napansing wala na pala ang mga kaklase ko at tanging si Gab at ako nalamang natitira dito sa room.

"Ano bang nangyayare sayo, ha Crizania?" Nakasandal na si Gab sa arm chair niya at nakakrus ang mga braso. Seryosong nakatingin saakin.

Ayan na naman siya sa Crizania, Crizania na yan! Masyadong masakit para saakin na tawagin niya akong ganyan. Zhat, Z, bes o kahit na ano nalang basta wag Crizania please.

(A/N: Ang OA Zhat! Siopao!)

Naman Author eh! Stfu!

(A/U: Wag mo akong pinapa shut up ha! Baka palitan kita diyan!")

Joke lang! Hehe!

"Ba-bakit wala na sila?" Tinutukoy ko ang mga kaklase namin.

Kumunot ang noo niya, "Paano naging sagot ang isa pang tanong?" inis netong sabi. Napalunok ako ng palihim, kinakabahan. "Ano bang nangyayare sayo? Kung may sakit ka dadalhin kita sa clinic. O kung may problema ka ay pwede mo namang sabihin saakin, hindi iyong sinosolo mo."

"Wala akong sakit, Gab," Napabuntong hininga ako, "Pagod lang ako."

Halata sa kaniyang mukha ang hindi kumbinsido, pero nanatili nalang itong tahimik, "Kakausapin ko ang mga Prof natin at sasabihin kong kailangan mong magpahinga dahil para kang lantang gulay diyan."

Tinignan ko ito ng masama, "Iyan ang wag mong sasabihin, Gab."

Scholar ako dito at hindi dapat ganito ang pinapakita ko sakanila, at hindi pwedeng um-absent ako. Nag advance reading man ako, kailangan ko pa ring matutunan ang explaination ng Prof ko.

Hindi porke alam mo na, hindi ka na makikinig sa explainasyon ng iba.

"Bakit?"

"Ayokong um-absent, Gab. Alam mo iyan." Matigas kong sabi, nagsisimulang mainis. At dahil ayaw kong magalit ng todo sakanya, sinimulan ko nang magmartcha paalis ngunit hinila niya ang braso ko.

I Didn't Notice Where stories live. Discover now