Prince's Gabrielle's POVNandito na ako sa bahay, actually dito sa kwarto ko. Nakatingin lang ako sa kisame ngayon, tulala.
Iniisip ko yong nangyare last week. Bakit naging ganon siya? Bakit naging ganon si Zhat? Hindi naman siya ganon dati ah?
Parang may mali sakanya. Hindi ko alam kung ano. Nandito naman ako lagi para sakanya, kung may problema siya, pwede niya naman akong sabihan o ano. Hindi iyong sinosolo nalang niya.
Napabuntong hininga ako, Am I worth to be her friend? Kasi sa nakikita ko, parang I'm worthless.
Napabuntong hininga ako, bakit ba ako sobrang affected? Kaibigan ko lang naman siya eh. Well, childhood friend to be exact.
Sobra akong naapektuhan sakanya, ilang araw na niya akong hindi masyadong iniimik. Kapag kakausapin ko siya, sasagot naman kaso hindi kahabaan tapos magpapaalam nang aalis kasi busy raw.
Pati ang relationship namin ni Maycie ay naaapektuhan dahil saakin. Kapag magkasama kami, laging si Zhat lang ang iniisip ko. Kaya nagtatampo na saakin si Maycie at meron nga noong nakaraang araw gusto nang makipaghiwalay saakin si Maycie, nagmakaawa ako sakanya na wag niya akong hiwalayan at bigyan pa ako ng isang pagkakataon.
Sigh
Bukas last day of school na at christmas break na. Kakausapin ko siya, hmm?? Pero paano? Nahihiya ako.
Teka! Nahihiya? Wala sa bukabularyo ko ang salitang hiya. Mygad! Anong nangyayare saakin?
Nagulat ako ng may biglang pumasok, si Mommy.
"Bakit nak? Kanina pa ako kumakatok kaso walang sumasagot at bumubukas kaya pumasok nalang ako." nakatingin lang ako sa kisame, ganon pa rin ang ayos ko simula kanina pagdating ko sa skwelahan pati ang magpalit man lang ng uniform ay hindi ko nagawa.
Biglang tumabi saakin si mommy, sinuklay nito ang aking buhok gamit ang mga daliri niya. "Anong problema anak? Pwede mong sabihan si Mommy." nag aalalang sabi ni Mommy. Tumingin ako sakanya at napabuntong hininga ulit. At binalik ang tingin sa kisame.
"I don't know Mom, but I felt worthless for being Zhat's bestfriend."
"How could you say so?"
"Kasi Mom, parang iniiwasan niya ako. Wala naman akong maalalang may ginawa akong mali sakanya. These past few days, hindi niya ako masyadong kinukulit o kinakausap like before. Masayahin naman siya kapag ibang tao yong kausap niya pero pagdating saakin, parang nagiging bugnutin siyang kausap ako. Ewan ko ba Mom, hindi ko alam gagawin ko."
Tama kayo ng basa, para siyang walang gana pagdating saakin.
"Baka naman nak may problema siya?"
Umiling ako, "Hindi ko alam, Mom. Dahil sa tuwing tatanungin ko siya kung may problema ba siya, iiling lang siya at aalis na. Kapag kukulitin ko naman Mom, ang dali niyang mainis."
"Baka may problema lang siguro siya anak, hayaan mo na muna siya. Siguro, di pa siya handang sabihin yong problema niya kaya ganon siya."
"Siguro nga, Mom." sigh
"Anyway, dito ba siya magpapasko?" napatingin ako kay Mom. Parang may namumuong idea sa isip ko.
"Hindi ko po alam Mom."
"Sana dito ulit siya, nak. Miss na miss ko na yong batang yon eh." Ngumiti si mama na para bang may naalalang maganda.
"Ako din Mom, miss na miss ko na si Zhat, yong bespren ko." pabulong kong sabi.

YOU ARE READING
I Didn't Notice
RomanceAno bang ginawa ko para layuan niya ako ng ganito? Hindi ko maintindihan! Nalilito na ako. Pero bakit ganito? Bakiiiit?? Bakit nasasaktan ako? - G Pasensya ka na kung iniwan kita. Pero pangako, babalik ako. Babalik ako nang wala nang pagaalinlangan...