The B*tch that You Made 5 part 1 - He will never have me back!

127 3 0
                                    

Ava's POV

Hindi ko alam kung magandang idea pa ang tungkol sa plano. Ang sa akin sana hindi na para di na masaktan si Ate.

*******************************************

The B*tch that You Made 5 part 1 -  He will never have me back! 

Alexia's POV

"Girl ano simulan na natin ang paghahanap ng bahay mo? Tara." Bree. at mukang naeexcite pa sya na maghanap ng bahay. lukaret talaga.

"Bakit parang excited ka pa na pinaalis ako ng sarili kong ama?" sabi habang inaayos ang lahat ng laman ng bag ko. hindi naman ganoon ka dami pero mga importanteng bagay.

"Iniisip ko kasi ano kaya ang sunod na gagawin ni Tito kapag nalaman niya na naghanap ka ng mauupahan at hindi ka bumalik sa bahay niya." sagot naman niya. habang palakad lakad.

"I dont even want to think about it. Lets go." reply ko sa kanya at saka kami lumabas ng condo at sinarado lahat ng pinto.

Dumiretsyo kami sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko. buti na lang at napilit ko ang babaeng ito na magcommute kaninang umaga papunta dito sa condo.

"Ito pala. baka makatulong." binigay niya sa akin ang isang broadsheet na dyaryo. 

"Siguro naman sapat na yung mga naprint kong mga for rent na houses at condo pero thanks anyway." sagot ko sinimulan ko na ang sasakyan at dumiretsyo kami para puntahan ang unang bahay.

Pagdating namin doon sa una. kitang-kita naman na maayos ang labas. Hindi man puro mayayaman ang nasa paligid pero muka namang safe.

"TAO PO!!!!??" sigaw ni bree mula sa labas ng gate.

Lumabas ang isang babae na siguro ay sampu hanggang labing limang taon ang tanda sa amin.

"Magandang araw po. Kayo po ba yung nagpapa-upa ng bahay?" Tanung ni bree. hayaan ko na sya ang makipag usap baka matarayan ko lang.

"OO pasok kayo. Gusto nyo bang makita ang bahay? hali kayo." Sabi ng babae at dinala kami sa katabing bahay.

pagbukas ng pinto 

"EWWWWWWWW" tili naming sabay ni bree

nagulat kami nang may isang malaking daga ang lumabas mula sa pintuan ng bahay tumakbo na kami palabas ng gate. 

"Salamat na lang po!!!!" sigaw ni bree at dali dali kaming sumakay ng sasakyan.

Ayokong tumira sa bahay na may daga baka masira lang ang mga gamit ko sa mga ngatngat nila.

The B*tch That You MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon