Chapter 10

150 4 0
                                    

SEUNGRI's POV


"a-aray!! Masakit tama na please.sorry na nga kasi. Eh kasi sabi samin ni dara 'wag raw kame pumunta sa dorm eh" paliwanag ko kay bom habang pinipingot niya ako sa tainga.

"sus.sumunod naman kayo? pasaway ka talagang panda ka! Tseeeeh" sigaw niya sa tainga ko. Halos mabingi na ako sa isang to' .

"hayaan mo na si seungri. Total nagenjoy ka naman eh hahaha" pangasar pa ni dara. Salamat naman at binitawan na niya yung tainga ko.

"naka ilang round kayo?" pabiro kong sabi. At tumakbo ako palayo sa kanya I'm sure sasaktan na naman niya ako.

"what?wait? anong round ang sinasabi mo diyan panda humanda ka sakin kapag naabutan kita" hinahabol na niya ako.

"hahaha tama na yan bommie~" buti nalang at hinila na siya ni dara at natigil na ito sa paghabol sakin. nakakapagod ah.

"pffftt. Hindi pa tayo tapos seungri" sinamaan niya ako ng tingin.

"sorry na nga kasi eh. Ganito nalang libre nalang kita ng lunch mamaya? Ok na ba yun?" sana pumayag na siya.

"ok. Sabi mo yan ah! 'wag kang tumakas mamaya kundi masusuntok na talaga kita" tsaka irap nito sakin.

"Yes, Sir" nagsalute naman ako na parang sundalo.

"hahaha baliw." Tugon niya.

"dara bakit parang ang tagal naman ata nila?" tanong ko kay dara. Kasalukuyan kasi kame nandito sa dance studio para makapagpraktis sila ng 'HELLO' performance nila. Moral support kung baga.

"eh ewan ko. Pupunta raw ba sila daesung?" tanong pa nito sakin. at bumukas nga ang door ng dance studio.

"oh ito na pala si dae~ eh" lumapit samin si daesung.

"oh wala pa rin yung iba ang tagal naman nila? Or tayo lang itong maaga? Hehe" sabi ni daesung habang nililibot nito ang mata sa dance studio.

"oo nga baka tayo lang ang maaga" tiningnan ko naman yung wall clock na nakasabit sa wall medyo napaaga nga punta namin dito. naupo na muna kame

"Hello, mga unnie and oppa" napatingin naman kame sa pinto sa wakas andito na rin sina cl and minzy.

"hi minzy, lalong gumaganda ah" bati ko sa kanya at ngumiti lang ito na para bang nahihiya.

"oo nga, sino na boyfriend mo? Tara seungri at upakan na natin" nagtawanan naman kame sa sinabi ni daesung

"wala akong boyfriend!sakit lang sa ulo yang lovelife" irap nito at umupo na sa katabi ni bom.

Napatingin naman ako kay CL na kausap ngayon si dara. Witwew ang sexy niya ah. Nakasuot kasi siya ng loose shirt at shorts lang. maasar nga!

"CL, ang sexy mo ngayon. Pata talaga yang legs mo ahahaha" pangaasar ko at nagtawanan naman ule sila.

"Bwisit ka talagang panda ka umatake ka na naman sa kamanyakan mo" sagot nito. At namumula na sa galit. Haha tagumpay naasar ko na naman siya.

"di bale ng manyak macho naman hindi katulad mo, pata hahaha" asar ko pa sa kanya. kitang kita ko naman na pikon na pikon na siya.

"Kapal ng mukha mo macho? Eewww kung ganyan na batayan ng macho mas gugustuhin ko pang mawala sa mundo" pagtataray pa nito.

"haha if I know nagagwapuhan ka lang sakin aminin mo na kasi" sabi ko at nagsmirk ako.

Missing You..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon