Chapter Nine

22.1K 736 7
                                    

Ireneia Xyke Vein

"This place is off limits."


Napalingon ako at nilingon ang taong nagmamay-ari ng baritong boses na narinig ko.

Our eyes meet.

One..

Two..

Three..


Four..


Five..


Si~


Bago ko pa man maituloy ang pagbibilang ay nag-iwas na sya ng tingin ~ guess no one can still stand looking into my eyes.


Nagkibit balikat na lang ako bago naglakad papunta sa ilalim ng malaking puno. Umupo ako sa paanan ng puno at tahimik na isinandal ang ulo ko sa matibay na katawan nito.


"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" He asked coldly.


"I did." Malamig din na sagot ko sakanya. His face showed a sudden glitch of amusement pero agad din itong nawala at napalitan ng napakaseryoso at napakalamig na anyo.


His eyes were covered with a familiar kind of emotion.


Isang emosyon na alam na alam ko dahil yun ang klase ng emosyon na nakikita ko sa salamin araw-araw.


Hindi na sya nagsalita pa instead he walked towards me at umupo malapit sa pwesto ko. He also did what I did a while ago and then closed his eyes.


Dahil parehas kaming hindi interesado sa pagiingay- ipinikit ko na lang din ang mga mata ko at tahimik na pinakiramdaman at dinama ang kapayapaan ng lugar.


"I know your kind."


Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.


Hindi makapaniwalang tinignan ko sya pero nanatili lang syang nakapikit at tahimik.


"How?" I asked him nervously.


Tipid na ngumiti muna sya bago nya idinilat ang mga mata nya at tumitig saakin.


"I can feel this strange thing everytime you're around at pamilyar na pamilyar saakin ang pakiramdam na iyon." Mahinahon na sabi nya ngunit ramdam ko ang diin at galit na nagmumula sa boses nya.

May problema ba sya sa uri ko?


I smiled sarcasticly.


"So you find my kind somehow disgusting? does my kind infuriate you? angers you? makes you hard to breathe with so much hatred?"

Tumayo na ako at pinagpagan ang likod ng palda ko.

So much for the relaxation I thought would find.

"Me too."

After I said those naglakad na ako palabas ng forbidden garden at naglakad papasok sa una at kaisa-isang klase ko araw-araw.

"Hey."


Natigil ako sa paglalakad at bahagyang nilingon ang lalakeng umupo sa tabi ko kanina.

"I'm looking forward on working with you."

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad paalis sa lugar na iyon.

When I arrived nandun na silang apat nakaupo sa kanya-kanya nilang upuan at busy sa kanya-kanya nilang mundo.

Walang pakealam na naglakad na din ako papunta sa upuan ko sa gilid ng bintana.

"3 weeks from now leveling na. Kinakabahan ako na nae-excite sa mangyayari. Sa tingin mo tataas agad ang level natin? I hope yes! Para makasama ako sa Alpha class!"

Alpha class?

Napatingin ako sa kanilang dalawa~ kay Pauline at Lorie na nagkwekwentuhan sa gilid ko.

I think kailangan kong iresearch kung ano at kung sino-sino ang possibleng makilala ko sa hinaharap.


"Hey Ireneia!"


Nabalik ako sa sarili ko at tinignan silang dalawa ng diretso.

I gave them both a questioning look as if asking kung ano ang kailangan nila sa pagtawag nila saakin.

"Haha ay akala kasi namin may itatanong ka kasi nakatingin ka saamin yun pala nakatingin ka nga dito pero yung utak mo naman pala naglalakbay sa kung saan." Pauline said while trying her best to surpass her laughter.

Bahagya ko syang nginitian bago ako tumingin ulit sa labas.

3 weeks left to prepare for the leveling.

What if?

"Hey." I faced them again at lumunok muna bago muling nagsalita.

"Sa leveling" I paused, trying to look for the proper words to say.

"Will they oblige us to use all of our abilitities?" Tanong ko na ikinakunot ng noo nilang dalawa.

"What do you mean all of our abilities?" They laughed before giving me an 'are you kidding me?' look. My forehead creased in confusion.

"Of course not. Well they would be expecting us to give our best shot pero hindi ibig sabihin nun na kelangan nating abusuhin ang kapangyarihan natin to the point of reaching our limit. They wouldn't want their students to die during the leveling would they? Iisa na nga lang ang ability natin tapos aabusin pa natin?" She explained.

So how on this world would they level us kung hindi nila malalaman ang maximum capacity ng isang student?

Diba para malaman nila ng maayos ang tamang level para sa isang student, kailangan ng student na yun na ilabas ang maximum capacity ng ability nya for him or her to fit sa level kung saan talaga sila nababagay?

"What class slash level are you aiming for ba?" Tanong ni Lorie saakin.

"Any class basta nararapat sa kakayahan ko." Simpleng sagot ko bago ako sumandal sa ding-ding at tumingin sa malayo.

I'm planning to give my best.

Whatever the result is~ I don't care.










I'm thankful enough to be alive to ask for more than what my kind deserves.

Heleina Cross Academy Of Magic: CURSED (Part 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon