Chapter Thirty One

16.9K 612 13
                                    

AUTHOR'S NOTE: 

I'm editing the story. Enjoy reading.

Ireneia's POV

Tahimik ang lahat habang nakaupo kami paikot sa mahabang lamesa dito sa mansyon ni Lord Zairo habang naghihintay sa pagkain. Ni isa saamin ay walang nagtangkang magsalita. I know, we should be celebrating but since shocked pa ata sila kanina ay eto ang mayroon kami ngayon. So Fun. 

And I think it's my fault.

"Sino ka ba talaga?"

There.

Sawakas may nagtangka ng magtanong.

Napangisi ako dahil sa tanong na itinapon saakin ni Lynia.

"Kapag nalaman nyo ba may magbabago ba?" Nakangising tanong ko pabalik sakanya bago sya diretsong tinitigan sa mata.

Hindi pa man nagtatagal ang pagkakatinginan namin ay nag-iwas na sya ng tingin. Maybe because I shifted my eye color into deep black again kaya hindi nya kinaya ang tumitig dito.

Because it's too empty and too deep. I let out a soft chuckle. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. The secret is finally out and I think wala naman na sila magagawa dahil wala naman akong balak na umalis sa grupo. Ngayon pa na mayroon ng improvement sa gusto kong mangyari. 

Ng muli silang natahimik ay tuluyan na akong nawalan ng gana.

I stood up and left all of them at the hall para naman makakain sila ng maayos. I can't force them to accept me for who I am dahil kahit ako ay nahirapang tanggapin kung ano na ako ngayon.

Umakyat ako sa kwarto ko at dumiretso sa balkonahe.

Tahimik na naupo ako sa sahig at tumingala sa langit. A sarcastic smile escaped from my lips when I saw how bright the sky is.


They seem having fun up there.



Cashiella's POV



Pagkaalis ni Ireneia ay sumunod naman agad na tumayo si Helios at umalis din sa harap ng hapagkainan.

"Seriously Lynia? What's your problem?" Inis na tanong ni Fritzale bago tinignan ng masama si Lynia na nag-iwas lang ng tingin.


"Hindi kasalanan ni Ireneia kung tanga at mahina ka. You failed to fight for him. Why are you acting like a bitch?" Dagdag nya pa bago padabog na tumayo at naglakad paalis. Well that's Fritzale for you. Hindi ko alam kung maninibago ba ako sa ugali nya dahil matagal na din nyang hindi nilabas ang side nya na yun. But, as far as I can recall, that's the Fritzale na nakilala ko back when we're still kids. She just changed when Nia entered the picture. 



Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga nangyayari.


Nahahapong napasandal na lang ako sa back rest ng upuan at napapikit. I'm still exhausted dahil sa labanan kanina tapos eto pa? Hindi ba sila napagod kanina?


Oo aaminin ko habang tumatagal na nakakasama ko~namin si Ireneia ay mas lumalakas at tumitindi ang curiosity ko about sa mga kakayahan nya at lalo na sa pagkatao nya pero hindi naman ako ganun kainsensitive para isampal pa sakanya ang isang bagay na alam kong hindi nya pinagmamalaki sa karamihan.


"You went too far Lynia."  Naiiling na sabi ni Luques  using his cold voice. Lynia stared at him in disbelief bago padabog na napasandal sa upuan nito. 

Heleina Cross Academy Of Magic: CURSED (Part 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon