Ireneia's POV
Nang sa tingin ko ay maayos na lahat ng gamit ko dito sa bago kong kwarto, tahimik na lumabas ako at naglakad papunta sa kitchen.
To express my gratitude I volunteered to cook for them. Though hindi ko lang alam kung magugustuhan nila ang luto ko. It's the thought that counts right? I wouldn't hurt if I at least try.
Tahimik ang buong paligid hanggang sa makarating ako sa kitchen. Wala sila sa living room kaya malamang ay lumabas sila o kaya naman ay nasa kanya-kanya nilang kwarto. That's better for me kasi mas madali akong makakagalaw kung walang nakatingin o kaya naman ay manunuod sa bawat galaw ko sa kusina. I might mess up if they watch me do my thing in the kitchen, and messing up is the least thing that I want to do right now.
Sound proof ang lahat ng kwarto dito kaya malabong magkarinigan kaming lahat habang nasa kanya-kanyang mga kwarto.
Hanggang ngayon hindi ko parin mapigilang mamangha sa interior design ng kitchen. Pakiramdam ko nasa kusina ako ng royal family dahil sa linis ng paligid at rangya ng mga gamit dito sa kusina. It's a heaven for cooks and chefs out there. It's not even an exaggeration. This kitchen~ no, this place is nothing like what I used to lived in my entire life.
Well that's to be expected from the royal class' kitchen. Beautiful but useless. I sighed bago tinuloy na lang ang ginagawa.
Hinanda ko na lahat ng ingredients at mga kitchen tools na kakailanganin ko sa pagluluto.
My menu for today is menudo and adobo. Yun na muna siguro hanggat hindi ko alam kung anong mga pagkain ang gusto nila as well as their personal preferences and in case they have allergies on something.
I can cook and make almost everything, mula sa appetizers hanggang sa desserts ay naturuan ako ni mama kung paano gawin at lutuin. She said that someday magagamit ko ang mga matututunan ko sakanya, at hindi nga sya nagkamali. That someday is maybe happening right at this moment.
Unang niluto ko ang kanin bago ko inasikaso ang pagluluto sa dalawang putahe na napili ko.
After half an hour ay naluto ko na din ang kanin at ang menudo. Tahimik at seryoso lang din ako tuwing nagluluto. Hindi ako masyadong umiimik at naka-focus lang lahat ng atensyon ko sa kung ano ang ginagawa ko.
"Ang bango!" Napalingon ako sa may doorway kung saan nakita ko si Nikolei, Kairo at Luques na mukhang takam na takam na sa niluto ko na nakalagay na ngayon sa kitchen counter.
Nasa kalagitnaan naman ako ng pagluluto ng adobo ng biglang tumatakbong pumasok dito sa kitchen sina Lindsay, Cashiela at Fritz. Nakasunod naman sa kanilang tatlo sina Lynia,Lukas at Harold.
Huli naman na dumating sina Copper at Helios na mukhang may seryosong pinaguusapan.
"Matagal pa ba yan Ireneia?" Atat na tanong ni Nikolei habang nakatingin sa niluluto ko.
"5 minutes." Maikling sagot ko bago ako nahahapong sumandal sa lababong nasa likod ko. Pagod na din naman ako dahil halos sinolo ko ang paghahanda ng pagkain namin ngayong lunch. Tahimik at nanatiling nakapikit lang ako habang inoorasan ang niluluto ko.
Pinapalambot ko na lang din naman kasi ang karne sa kawali para hindi ito makunat nguyain.
After 5 minutes, idinilat ko na ang mata ko bago ko hinarap muli ang niluluto ko. Mabilis na pinatay ko ang kalan bago ko sinalin sa isang mangkok ang adobo na niluto ko.
Nagoffer naman na tumulong sina Luques sa paghahain kaya tahimik na nagpasalamat na lang ako sa initiative na ginawa nila.
When everything is already set, umupo na kami lahat sa upuan na nakapa-ikot sa wooden round table na nasa harap namin bago tahimik na nagkatingin-tinginan.
"Let's eat." Mahinang sabi ko bago ako kumuha ng kanin na nasa harap ko lang naman. After kong kumuha nagsimula na silang paikutin ang spinning platform ng lamesa at kumuha na ng kanya-kanya nilang pagkain.
Nung lahat na sila may pagkain, pasimple ko silang tinignan to check kung ano ang magiging reaksyon nila sa luto ko.
I just hope they would like how it turned out.
Halos sabay-sabay silang sumubo ng pagkain at halos sabay-sabay ding napapikit.
Hindi ba nila nagustuhan?
I sighed at akmang tatayo na para iligpit ang mga pagkain ng bigla akong hinila paupo ni Helios na nasa tabi ko pala. I did not even notice him sit beside me. I stared at him and gave him a questioning look as to why he did what he did. But he's not even looking at me.
"It's, uhh, good." sabi nya bago nagpatuloy sa pagkain. That really made me sigh in relief. I was really happy to know that he liked it. I'm really not showing any emotion right now but deep inside I was relieved and happy.
"Anong good? Hindi sya good Helios. It's freaking delicious!" Sigaw ni Nikolei na halos mabulunan na sa dami ng laman ng bibig nya.
I'm just really glad that they liked it.
"So this is what good food taste like. It's been a very long time since we had something that tasted like home. Thank you for making this Ireneia." Sabi naman ni Cashiela na maganang kumakain din kagaya ng ibang mga kasama namin.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain dahil after nilang puriin ang luto ko ay wala ng nagsalita ulit. Lahat sila ay abala na sa pagkain ng mga niluto ko. They looked like they been starved for a month. They mustn't have liked the food from the cafeteria.
But the silence broke when Helios spoke.
"Thanks for the food." He said before he stood up and left the dining hall. I just gave him a nod as a response pero kung tama ang hinala ko, he didn't evn see it since he looked like he needed to be somewhere as soon as possible. I didn't mind tho. I'm like that sometimes too.
And because of that I mentally smiled to myself.
Somehow, I can see myself in him. I just don't know what made him like that, but I also don't have any plans on trying to know what. We all have our demons. We all have our own crosses to carry.
And sometimes the only thing we could do to deal with those and survive is to try to forget, keep it to ourselves, and run away from it.
BINABASA MO ANG
Heleina Cross Academy Of Magic: CURSED (Part 1) COMPLETED
FantasyHighest Ranks #1 in Mages as of September 23, 2019 #1 in Mages as of June 28, 2020 #1 in Fantasy-Romance as of June 18, 2020 #2 in fantasy adventure as of May 30, 2020 #24 in Fantasy as of February 19, 2019 #5 in Fantasy as of August 26, 2020 #4 in...