Chapter Eight
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of Minnilavid's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.
A/N:
Hello. Salamat dahil nagbigay kayo ng time para basahin ang story ko. Alam ko pong hindi ito kagandahan, kulang kulang ang words, naro-wrong grammar, mali mali ang spelling, at etsetera.
Naniniwala naman po ako sa 'Don't Judge the Book by its Cover' pero gusto ko pong makakuha ng komento galing sa inyo. Kung ano reaksyon niyo, kung nagsistick pa rin ba sa genre o napapalayo na, *shrugs* bahala na po kayo mag-critic.
***
Her Point of View:
Nakatingin lang sila sa akin. Dumaan na ang minuto pero hindi pa rin ako nagsasalita. Tumingin ako kay Miko ng isang tinging naghihingi ng tulong. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Nag-aalala ako kung tatanggapin pa rin ba ako ng grupo.
"I don't know kung tatanggapin niyo pa rin ako pagkatapos nito." I blurted out.
Klev just shooked his shoulders, "We were brought here to reunite with our kind. Tandaan mo hindi lang ikaw ang weirdo, kami rin."
Oo nga pala. Hindi rin pala alam ni Klev ang First Skill ko. But may point siya. Kung nagaalangan akong sabihin ang Skill ko dahil baka may magbago sa comportable kong bilog na teritoryo, papaano pa kaya sila? Baka nga mas malala pa ang mga pinagdaanan nila.
They were all waiting patiently. Even Kyfer is staring at me, expecting me to show off my First Skill. Napadaan ang tingin ko sa mga mata ni Miko, may kaunti akong nakitang ekspresyon doon. Bahagyang nakakunot na ang noo ni Miko sa pagkabagot. Ang tagal ko man lang kasing magsalita.
Bahala na nga, and I nervously laughed. Bahala na si Batman.
Ikinumpas ko ang aking kamay at lumipad ang hawak hawak na libro ni Kyfer. Nakita kong bahagyang nagulat sila at napapalakpak pa si Klev sa tanawin.
I smiled. Iginalaw-galaw ko yung kamay ko sa kanan, tapos pakaliwa. Pinaglalaruan ko pa ito ng ilang sandali. Natawa si Klev nang sinubukan kong buklatin yung libro ngunit hindi ko ito nagawa.
"Magpraktis ka pa, kaya ka lalampa lampa eh." Nangaasar na sabi ni Klev. Inirapan ko siya at sinadyang ilapit sa ulo niya ang libro. Hindi niya iyon napansin dahil abala pa siya sa kakatawa. Ginamit ko ang sandali para ihampas ang libro sa ulo niya. "Aw!"
"Aray ah. Lupit mo talaga, Chiara." Nangingiwing sabi ni Kyfer habang nakatingin kay Klev. Parang siya pa ang mas nasasaktan para dito.
"Hindi lang iyon ang makukuha mo kapag ipagpapatuloy mo pa ang pagiinsulto sa First Skill ko."
Nanggigigil kong tinaasan ng kilay si Klev. Automatikong napa-hands in the air ang loko."Naman! Nagbibiro lang eh!" Nakanguso niyang sabi. "...Pero, di nga Cha.. Ang weak mo pa."
Tumaas ang dalawa kong kilay sa pagtawag niya sa aking ng 'Cha' .
"Ano tawag mo sa akin?"
"Cha. Para hindi masyadong mahirap ispilingin, ay este, sabihin. Ang haba kasi ng Chiara. Nakakapagod." Sabi niya.
Pinalampas ko ang ginawang pagtawag sa akin ni Klev ng 'Cha'. Ok na rin yun bilang palayaw ko. At isa pa, hindi naman Chiara totoo kong pangalan eh. Para naman maiwasang may magduda, dapat kong hanapan ng palayaw ang peke kong pangalan.
BINABASA MO ANG
Ice As Frost DETECTIVE STORY
RandomA story of an Ice Detective. Humor. Mystery/Thriller. School Life. Detective Story. SUMMARY: Snow Archer was transferred to an enigmatic school, and was expelled from her former school named 'K'. She thought that someone bribed the principal to...