Chapter NineThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of Minnilavid's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.
A/N:
Gusto ko pong magpasalamat sa mga taong tumangkilik at nagbasa ng Ice as Frost. Lubos rin akong nagpapasalamat para sa mga taong nagvote at in-add ang kwentong ito sa mga Reading Lists nila. Sana po ay masubaybayan ninyo ang buong storya hanggang sa pinakadulo-duluhan.
**
Her Point of View:
Nagising ako na nasa ibabaw na ng higaan ko. Malamig ang hamog na dumadampi sa balat ko at medyo makulimlim ang langit na tila'y nagbabadyang umiyak ilang sandali pa lamang. Bumaluktot ako para magkaroon ng init sa katawan dahil pakiramdam ko namamanhid na ang dulo ng mga daliri ko sa lamig. Mukhang alas tres pa lamang ng umaga.
Napatingin ako sa paligid. Maayos pa na nakalagay ang mga bedsheets ng karatig kong higaan, mukhang hindi pa nakakauwi si Kaila.
Tumayo ako mula sa higaan at inabot ang isang salamin sa side table. Pagtingin ko sa repleksyon ko ay hindi ko maiwasang mabitawan ang salamin dahil sa gulat kaya't nabasag ko ito.
Bakit... Bakit iba ang kulay ng mga mata ko?
Ano na bang nangyayari sa akin?
Kakulay nito ang malalim na asul ng dagat. Bumubusilak ito gaya ng mga bituin sa langit. At iisa lamang ang ekspresyon roon-blanko.
Nacu-cultured shock pa rin ako sa nasaksihan. Itim ang dominanteng kulay ko sa mata pero papaanong naging asul ito?
Yumuko ako at tinignan ulit ang sarili ko sa basag na na salamin. Kahit biyak biyak na ito, hindi ito naging hadlang para mapatunayan kong tunay ngang kulay asul ang mga mata ko. Nandoon pa rin ang kulay ng malalim na asul.
Naglakad ako papuntang kusina para kumuha ng walis at dustpan. Ngunit may isang lalake ang nakaupo sa isa sa mga upuan ng dining table. Pamilyar ang mukha niya. Nakakaagaw pansin ang kulay pula niyang mga mata. Sino siya?
Napangisi ang lalake habang nakatingin sa akin na parang kilalang kilala na niya ako. "Chiara, hindi mo ba ako naaalala?" Tanong niya. I just tilted my head, trying to identify who he was. Nakasuot siya ng white polo with horizontal blue stripes. Naka khaki shorts siya at may magandang katawan. Hindi masyadong maskulado kundi katamtaman lamang.
Kumunot ang noo ko. May kamukha siya, sigurado ako doon. Pero hindi ko alam kung sino. Nahihirapan ako mukhaan siya dahil sa kulay ng kanyang mga mata.
Ang kanyang ngisi ay biglang napalitan ng lungkot at galit. Naga-alabaab ang kanyang mga mata. Parang may tunay na apoy ang nagpakaloob dito. Dinuro pa niya ako at sinigawan, "Isa kang traydor! Nagawa mong magsinungaling sa amin! Traydor ka!"
Naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi niya. Anong traydor? At bakit ko naman sila tatraydurin?
And he started to sob. Umiiyak sa harapan ko ang lalakeng higit pa sa estranghero ang tingin ko. Hindi ko siya kilala, wala akong natatandaang pagkakakilanlan niya. Ngunit, bakit ba pati ako ay nalulungkot rin sa mga ibinibintang niya sa akin?
"Hindi ikaw ang Chiara na kilala ko," Pinunasan na niya ang mga luhang pumatak sa mga mata niya at tinignan ako, mata sa mata, "Dahil ikaw si Snow Archer, isang traydor!"
Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw. Gulat, pagkalito at lungkot ang namayani sa akin. Hindi ko inaasahang may magsasabi sa akin na kinamumuhian niya ako, sa ganitong paraan. Hindi man eksakto pero ganun pa rin iyun.
BINABASA MO ANG
Ice As Frost DETECTIVE STORY
RandomA story of an Ice Detective. Humor. Mystery/Thriller. School Life. Detective Story. SUMMARY: Snow Archer was transferred to an enigmatic school, and was expelled from her former school named 'K'. She thought that someone bribed the principal to...