Chapter Two
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of Minnilavid's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.
A/N:
Hindi ko alam kung saan magtatapos itong story, but I hope you would still cling on our main character and as well as the storyline. I am open for suggestions, too.
**
Her Point of View:
I NEVER BADE someone a goodbye like this. Because for me, goodbyes are just for people who wouldn't see each other again. And I hate saying it.
Nakalabas na ako sa gate, na naging hudyat na hindi na ako pwedeng pumasok pang muli. Blacklisted na ako sa eskwelahang iyan. Naalala ko tuloy ang mukha ng matandang Presidente namin. Hindi ko mapigilang mainis. A part of me was worried. I don't know. Kahit gaano kaamo ang mukha ng matandang iyon ay alam kong may tinatago rin iyong ahas.
"See you soon, Freak." I grunted.
"See you later."
Aalis na sana ako nang bigla akong napatigil. Ayan nanaman ang 'later' niya.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. He noticed how I reacted. Sumimangot ako at ngumiti naman siya. He snickered and ruffled my red hair, "See you later in ten years."
I slightly punched his arm, "Dream on." I joked.Tumingin ako sa napakaitim niyang mga mata. I saw how he wrinkled his nose. Sumimangot siya. "You don't want to see me soon?" Mapang-uyam ang tono niya.
"Yes. Baka iba na tingin mo sa akin eh." I shrugged my shoulders.
Nangliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, but then biglang nagbago ang mukha niya at ngumisi siya sa akin. "Yeah. Maybe that'll happen. I won't see you as a friend then but as a Prospect for my Bride." He joked.
Hindi ko na-appreciate ang joke niya kaya sinuntok ko ulit ito but ngayon sa mukha na. "Dream on." Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.
I heard him complain. "Aw! Wala pa ngang Lunch, may pasa na agad ako sa mukha." He exclaimed. "Sana hindi na lang kita in-escort hanggang dito."
Inirapan ko siya. "This will serve as a Good Bye. Para hindi mo ako makalimutan." Sabi ko habang nakaturo sa pasa niya sa pisngi. I smirked. "Bye bye, Mr. Perfect." Nang-aasar kong giit.
"Yeah yeah. Lumayas ka na nga." Masamang tingin ang binato niya sa akin habang nakalapat ang kaliwang kamay niya sa nasaktang pisngi.
Parang normal pa rin sa amin ang mag-aasaran kahit na aalis na ako sa eskwelahang pinasukan ko. Parang walang nangyaring Expulsion.
Nakita ko sa unahan ang babaeng nakarambulan ko 4 days ago. She threw me her Bitchy Look and looked at me from head to toe.
"So totoo nga ang balita na ang magaling na si Snow Archer ay na-kick out na sa school." Nagsmirk siya sa akin habang paika-ikang lumapit. Mukhang kalalabas niya pa lang sa ospital dahil nahihirapan pa siyang makalakad kung wala ang dalawa niyang walking stick.
I looked at her coldly, gazing at her furious face. "Masaya ba doon?" Sabi ko at dahan dahang napangisi. Natigilan siya sa paglalakad at galit na tumingin sa akin. Ngayon alam na niya na ang tinutukoy kong lugar ay ang ospital. Takot siya sa injection. May phobia siya sa mga doctor at higit sa lahat, may trauma na siya sa mga masisikip na kwarto. Tamang tama ang paghihiganti ko para pagsisihan niya ang ginawa niyang mali.
BINABASA MO ANG
Ice As Frost DETECTIVE STORY
De TodoA story of an Ice Detective. Humor. Mystery/Thriller. School Life. Detective Story. SUMMARY: Snow Archer was transferred to an enigmatic school, and was expelled from her former school named 'K'. She thought that someone bribed the principal to...