Barya

8 0 0
                                    

Barya

Sugal here, sugal there. Sugal EVERYWHERE. Dyan ako naiinis kay Maddie. Gf ko. Lagi na lang niyang inuuna yang pagsusugal! We're like 4 yrs ng magkasama, and 4 yrs na rin niyang gawain yan!

Nung una dapat hihiwalayan ko na, pero she looked so broken at yun yung mga times na dapat nandoon ako. 25 na ako at siya 22. Di alam ng parents ko na nagsasama na kami at worst di din sya tanggap ng parents ko. I'm a nurse. Siya... Uhmm a call center agent? Waitress? Cigarette girl? Taga-hugas ng pinggan? Labandera?

At yon na nga ang rason kung bakit di ko syang magawang iwanan. Sa tuwing sisitahin ko sya galing sa pagsusugal niya at sasabihing iiwan ko na sya, luluhod sya sa harapan ko at iiyak. Ewan ko ba! Yun ata ang kahinaan ko! Kapag nakikita ko siyang naiyak at pagod na pagod, feel ko kailangan niya ako sa mga panahong yon.

Madaming nagsasabi na, "ang malas mo naman sa jowa mo", "sayang ang kagwapuhan mo", "akin ka na lang, at aalagaan kita." Pero NO. Mahal ko 'tong babaeng to kahit matigas ang ulo niya. Kahit ang kulit kulit niya.
Para lang maliwanagan kayo,
Si Maddie ay hindi naman sugalera. Pero siguro kapag bored siya? Ganon? Nagsusugal siya.

Nararamdaman ko naman sa kanya na mahal na mahal niya ako, na hindi niya ako iiwan at siya na ang karapat dapat para sakin. Maalaga naman siya e, pero minsan kasi mas uunahin niya yon kaysa sa pag-uusap namin.
Pero kahit ganon man ang sitwasyon, di ko na siya pakakawalan. Di ko na iiwanan. Akin na yan. At alam kong, "barya lang yan. Gamit lang yan. At sigurado akong walang laban sa akin yan."
~ Cap. Marcus Santillan (Cap Santillan of Brgy. Pinaasa)

Short StoriesWhere stories live. Discover now