curiouscat.me story

16 0 0
                                    

Curiouscat.me Inlababo story

(SPG)

Hi the name's Xyla. Not my real name. Nag-try akong mag curiouscat dati because I was so soo bored! And syempre kapag may nagtanong sayo... Ang lalabas ANON. But still, I think I've done something wrong to the guy that asked me one time.

"Ate ang witty mo naman sumagot sa mga questions ko. Cute." ~ ANON

Ok? So, that's how it started. Sa pagmamaldita ko.

"Tapos? Panu gagawin?"

I was so stressed that time and at the same time bored din. So hindi ko maiwasang magmaldita. Now you all now ppl, wag mamaldita for no reason. A guy asked me kung pwede daw mahingi number ko. Then of course, I said no. Sinong tanga ang magbibigay ng number sa isang stranger? Ni hindi ko nga sya ganon kakilala. And he's just an unknown guy in my life. So why bother diba?

My account on facebook was on public. Famous eh. Lol. Totoo naman. Pero matino mga dp ko ah! Walang labasan ng cleavage! Matino akong magdamit sa mga pic na nipopost ko! Matino din akong magsalita, *sometimes* hehe.

A guy messaged me. Named "Mark". Mark Reid. Syempre! Unang pumasok sa isip ko, idol niya si James Reid! Pero I knew na, hindi siya handsome, feelingero lang. See? I'm so judgmental! I hate myself for that! He told me na, he told me that he knew me ganyan ganyan achuchu eklabu, kung san daw ako nakatira, kung san daw akong university napasok, kung sino daw parents ko. Eto pa malala! Alam niya daw kung ano kulay ng damit na suot ko! Then tumama yung sagot niya which is Brown na V-neck tas naka maong pants! Pero I'm sure na tsamba lang yon noh! Number ko lang daw ang hindi niya alam.

Tinanong ko siya, bat halos buong pagkatao ko alam niya, number ko lang hindi? At nagtaka ako, kasi nandon naman yung number ko sa FB. Sabi ko hulaan niya. Pero I'm sure naman na any minute or day may mag t-text na sakin. Kasi nga I'm famous! Duh!

At yon na nga! Kinabukasan pagka gising ko, may nag message sakin. Nakalagay, "nahulaan ko". Then nag-reply ako ng, "edi wow".

Lumipas yung ilang week, active ulit ako sa curiouscat. May nagtanong sakin bat daw ang maldita ko, ang taray ko daw kausap sa messenger tas bat ang sungit ko daw, kahit in person. Syempre nag-assume ang lola ninyo na, mga kakilala ko to. So I've told them na, bakit ba, layf ko to mga bes! Then ayon may one question na nakuha ang atensyon ko. Nakalagay don e, Is this your number? Tas ---- yung number ko. Lol. Yoko nga maglagay ng number baka i-text niyo ko!

Tas namura ko siya nasabihan ko ng fck you. Hahaha. Tas ayon, may nagmsg sakin sa messenger. Yung Mark Reid. Sabi niya you'll stalk me for sure. Edi na speechless ang ate gurl ninyows! Nagsend siya ng pic! Karne! Ay pandesal! Este abs! Tas kita din yung nakakalaglag ng pantyy na v-line! Like wtf?! Mirror-selfie! Di kita mukha, so xaddd. So syempre, nagmaldita si ate ganda. Nagsend ako ng "And so? Pano ulit gagawin?" Nag reply siya ng, "Hawakan mo.", "Dilaan mo." Edi nagulat ako. "GAGO!" Then blocked.

After 2 weeks, wala ng nag m-msg sakin na Mark Reid. Kahit sa text wala na. Let's just say na parang walang nangyari bumalik lang ang lahat sa dati.

Then one time, hindi ako mapakali. Nagpaparamdam yung pandesal niya eh! Abs pala! Dinadalaw ako ng heavenly body niya! So ayon na nga, I've stalked him. I was so tanga! So so tanga!! Kasi naman! Nagkamali ako! I was so judgmental! Ang gwapo niya pala! Huhu! Tas ang yaman din! Tas nag-scroll down ako, then ayon parang nasabugan yung colorful world ko! "IN A RELATIONSHIP WITH *toot* since May 13, 2018" Last week lang yon ah! May 20 ngayon. LIKE WTF?! Sino yang Abbie Perquiñas na yan?!

Inistalk ko si gaga! Tang*na! Mukhang hayop! Amp•ta! Yan ang ipinalit sakin? Ayy ipinalit tuloy, hindi naman pala naging kami! At ayon na nga ang pagkakamali ko! Then sa katangahan ko nakalimutan kong lalabas sa notif yung paglike mo sa old posts ng isang tao!

ANG TANGA KO DIBA??

Maya maya Mark texted me. "See? Ano? Inggit ka!" I replied. "Ako maiinggit? Kanino? Dyan sa Abbie mong mukhang hay0p?". Galit na galit ako sa kanya. Pero at the same time. Inlababo na rin ako sa kanya!! "Ngayon nagseselos ka naman. Ano bayan Xyla! Ang judgmental mo kasi!" Madami pa siyang sinend na text msg. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Nasaktan ako don ah! "ANG JUDGMENTAL MO KASI"

I tried to forget him pero... I asked tons of questions sa kanya on curiouscat. At isang sagot ang nagpaiyak sakin!

"KYAH! PEDE MAGING TAYO? SORRNA AGAD. CAN U FORGIVE ME? - NO. XYLA, NUNG MGA PANAHONG NANDYAN AKO, NANGUNGULIT YOU KEPT ON SHUTTING ME OUT! KAYA NGAYON MAGDUSA KA!"

Like, how did he knew? Na ako ang nagtanong?

After a few days, in-uninstalled ko lahat ng apps ko na may connection dyan sa Mark Reid na yan. As in lahat! Messenger. Facebook. At higit sa lahat yung curiouscat na yan!

Sana may natutunan kayo. Wag niyo kong tutularan ha? Lalo na yung ibang mga peymus diyan.

~ Xyla Marie Quintos

Short StoriesWhere stories live. Discover now