CHAPTER FIVE

12.6K 139 6
                                    

WALANG maayos na tulog si Tiffany dahil sa kakaisip kung paano nya makuha ang kanyang sasakyan sa bahay ng sinungaling na yon.
Kagabi pa sya nag iisip kung ano ang gagawin nya.
Kung tatawagan nya ang katiwala nito na si Manong Josie para ihatid ang sasakyan, wala naman syang numero sa telepono nito.

Bakit ba kasi hindi nya naisip ang sasakyan nya. Masyado syang nataranta kagabi na kahit ang importanting gamit nya ay kanyang naiwan. Sa lahat na pwedeng maiwan ay yon pang sasakyan nya.

Bumangon na lang sya at lumabas sa kanyang kwarto.
Pagkalabas nya na salubong nya ang kanyang hilaw na ina na may demonyong ngiti sa kanya.

Kahapon parang tuta na walang imik na nakipag usap sa kanya pero ngayon lumabas na naman ang sungay nito.

"Ang aga mo naman ata'ng nagising?"

"Hindi ako makatulog."
Mahina nyang sagot.

"Bakit?"

"Bakit kayo nagtanong?"

Tumaas ang kilay nito. "Wala ba akong karapatan? Nakakalimutan mo ba na ako ang asawa ng ama mo?"

Bumuntong hinga sya sa sinabi nito. "Wag nyo rin pong kalimutan na pangalawang asawa lang kayo."

Bigla itong tumawa na para bang nakakatawa yong sinabi nya.
"Bakit? May magagawa ba ang unang asawa nya? Asan ba sya? Di ba wala na?"

She greeted her teeth."wag nyo syang idamay dito."

"Oh?" Ngumisi ito sa kanya. "Bubuhusan sana kita ng tubig. Pero maaga kang nagising. Paki dala na lang ulit nitong dala kong balde ng tubig."
Pagkatapos nya nitong sinabi iniwan na sya.

"Marina." Tawag nya sa isang katulong nya na dumaan sa tabi nya.

"Po? May kailangan kayo?" Magalang nitong tugon.

"Paki dala nyang tubig sa baba."

"Sige po. Saan ko po ito ilalagay?"

"Pwede ring ibuhos mo kay Kathrina kapag nag sesex sila ni Dad, para matuluyan na yan." Sabi nya na ikinatawa ng kanyang kasambahay.

"Palabiro talaga kayo, Ma'am." Natatawang sabi nito.
"Sige po, Ma'am. Dito na po ako."

Nauna nang bumaba ang kasambahay nya at sumunod naman sya.
Kinuha nya ang kanyang cellphone para tawagan si Eryx at ito na lang ang pakikiusapan nya na kunin ang kanyang sasakyan sa bahay ng kaibigan nito.

It take 2 rings before he answer.

"Hey!" Halata sa boses nito na kakagising lang.

"Hey, sorry nagising ata kita."

"Nope. Its okay. Napatawag ka?"

"Ahm." Nag iisip sya kung paano nya sasabihin dito.

"Yes?"

Kagat labi syang nakahawak sa cellphone nya. "Ahm. ah-- manghihingi sana ako ng favor."

"Ano yon?"

"P-pwedeng paki kuha ng sasakyan ko sa bahay ni Gillespie."
Sandaling natahimik ang kabilang linya kapagkuwan ay nagsalita ito.

"Wait. What? Your car is in Gillespie's house?"

Nakangiwi syang sumagot dito."O-oo."

"But why? How come?"

"Its a long story, Eryx. Don't worry babayaran naman kita."

Narinig nyang tumawa ang kabilang linya. "Bakit ka naman magbabayad? Its free. Ikaw naman yan e."

EROS SERIES#3:  Body Language (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon