Chapter 3

24.7K 103 1
                                    

Pakikipaghiwalay ni Anton

"Tito..."

Marahan akong nagsalita para pigilan si Tito Matt. Sobrang kinakabahan ako sa sinabi nito. Posible ngang may nangyari sa amin kagabi at gusto nitong ulitin ngayon. Ang akala ko ay hindi niya iyon maaalala dahil lasing siya kagabi pero bakit ako ang hindi makaalala sa nangyari?

Hinawakan ko ang bisig niya habang hinahaplos niya ang aking mukha. Marahan niyang kinikilos ang kaniyang palad hanggang sa aking labi.

Wala akong magawa kundi tingnan siya. Wala rin akong nababakas na biro sa kanyang titig. Napakagwapo niya. Magaling magdala ng expression si Tito at hinahangaan ko ang kanyang tindig. Napapaisip tuloy ako kung paano nagawa ng mama na iwan si Tito? Marahil naging mapaghanap lang talaga ang mama ko.

Itinulak ako ni Tito Matt, na naging sanhi para mapahiga ako sa may front seat at saka niya hinubad ang pang-itaas na kasuotan pagkatapos ay itinapon ito sa labas. Sumampa siya sa akin at muli ay inangkin ang aking labi.

Damn! Napahawak ako sa kanyang balikat habang dinarama ang kanyang mapang-angking halik.

Napakamapanamtala ng lalaking ito! In the first place, he know that I am innocent, yet he want to do this to me again! And why the hell love it?

Gusto kong magpatianod sa takbo ng isip niya pero biglang pumasok sa isip ko na mali ito. Lalaki siya at babae ako. May boyfriend na rin ako at may asawa siya, anumang oras ay pwedeng bumalik si mama. Natatakot ako.

Hinawakan ko ang sando ni Tito at marahas ko siyang diniin sa bintana ng kotse.

"Sumusobra ka na ha!" sigaw ko. "Anong tingin mo sa akin, hindi na virgin?" Lalo ko siyang sinakal sa bintana, "Ha?"

Pero namuo lang sa mukha nito ang pilyong ngiti habang pinipigil ang pagtawa.

"Bakit? Virgin pa nga ba?"

Nandilim ang paningin ko sa inis kaya naman sinipa ko ang pinto ng kotse at malakas na tinulak palabas si Tito Matt. Lumabas ako at marahas na pinunit ang uniform at saka ito tinapon. Hinubad iyon at putting puting T-shirt na lang ang natitira sa akin. Inangat ko ang manggas nito para ipakita sa kanya ang braso ko.

Matapang ako at malakas kahit na isinilang akong babae. Wala akong inuurungang laban. Bata pa lamang ako ay tinuruan na ako ng papa ko na magbungkal ng lupa dahil iyon ang kinabubuhay namin noon. Hindi raw kasarian ang basehan para makapagbungkal ng lupa lalo na at doon kami nabubuhay. Kailangan ko raw maging handa kasi hindi ko raw alam kung kailan siya mawawala.

Pinalagitok ko ang aking mga daliri at leeg para sindakin si Tito. Ito ang naisip kong paraan nang hindi niya mahalata ang aking nararamdamang kaba.

"Suntukan o! Ano? Tingnan natin kung bakla," pang-aangat ko sa kaniya.

Kinakabahan ako dahil hindi ko siya gaanong naaaninag. Tanging ang ilaw lamang ng kotse ang nagliliwanag at tumatama iyon sa akin kaya nakatitiyak ako na madali niya akong saktan kung gugustuhin niya.

"Jasmine, control your temper," sabi nito at lumapit sa akin. "Relax lang, okay?"

"Paano ko kokontrolin kung inuubos mo ang pasensiya ko, ha?"

Napapasigaw na ako sa inis. Kung nandito lamang si papa ay hindi niya ako hahayaang sumigaw sa galit. Pinalaki niya akong may mabuting pag-uugali.

"Okay I'm sorry, Jasmine. Binibiro lang kita."

"Hindi magandang biro Tito e. Nakakadiri ka na! Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin kagabi. Mapanamantala ka! Palibhasa lasing ka binaboy mo ako."

Romancing my StepfatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon