Chapter 2
°DANIELLA°
"Go to my room later 6 p.m sharp.Tumayo ka na diyan,mukha kang tanga.Sa ngayon,tulungan mo muna si Soleng sa mga gawaing bahay,ayaw ko sa mga katulong na tatamad tamad kaya gawin mo nang maayos ang mga trabaho mo at kung maaari lang,huwag mong ipagsabi ang magiging kasunduan natin." Saad nito sabay talikod sa akin.
Nakahinga naman ako nang maluwag at agad akong tumayo mula sa pagkakaluhod upang sundin ang sinasabi niya.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng opisina ni Sir,agad akong sinalubong ni Manang Soleng habang ito'y nakangisi sa akin na parang nababaliw.
"Ayos ka lang ba ineng? Chinukchuk ka ba niya este ang ibig kong sabihin ay kung may ginawa bang kalokohan si Ser Francis sa'yo?" Masusing tanong nito sa'kin.
Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya or kung ano.
Francis,pala ang name ni Sir,ngayon ko lang nalaman.
"Wala naman po manang,pinagsabihan niya lang ako na ayusin ko raw ang trabaho ko." Paninigurado ko kay Manang Soleng.
"O siya kung ganun eh,kumain ka muna at uumpisahan na nating maglinis ng bahay pagkatapos mo."
Iniligay ko muna sa quarters area ang aking mga gamit pagkatapos kong kumain.
Agad namang ibinigay ni Manang sa'kin ang maid uniform na aking susuotin,dahil ayun sa kanya,ayaw daw ni Sir Francis na nakasimpleng shirt lang ang kanyang mga tauhan.
"Manang,ilang taon na po ba si Sir?" Tanong ko sa kanya habang naglilinis kami sa sala.
"Ah naku,higit na mas matanda yun sa'yo,hindi lang halata dahil mukha siyang mas bata kaysa sa tunay na edad niya." Pagpapaliwanag nito.
"Eh Manang hindi niyo naman po na sagot yung tanong ko eh."
"Ay oo nga noh? Kabibirthday lang ni Ser nung isang linggo eh,ewan ko ba sa lalakeng yan,ayaw niyang ipinagdidiwang ang kanyang kaarawan,walong taon na rin ako rito,pero wala akong maalala na nagpahanda siya." Mahaba niyang litanya.
"Ah..So ilang taon na nga po siya?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Bente shite na yan,binatang binata at hindi naman maikakaila na daks siya." Sambit ni Manang sa malanding tinig.
"Po?D-Daks?" Naguguluhan kong pahayag.
"Ahh ibig kong sabihin ineng eh,gustong maging Dakstor ni Ser dati,yung nanggagamot ba." Sambit niya sa natatawang boses.
"Ahhh,may karelasyon po ba siya ngayon?" Pang uusisa ko ulit.
"Ay naku,may pagkamalandi yang si Ser,kung sino-sinong babae na ang dinala niya rito sa kanyang pamamahay,at sigurado akong naikama na niya ang mga 'yun. Sa hot ba naman ni Ser eh malamang babae na mismo ang bubukaka sa harapan niya para lang maipasok ang kanyang mahiwagang espada sa kweba nilang basa na." Usal niya habang hinihingal.
"Ahh ganun po ba?" Maigsi kong tugon.
"Teka nga pala ineng,kung tapos kana diyan sa ginagawa mo eh,maaari ka ng magpahinga sa iyong silid.Mauna na muna ako sa aking kwarto at ako'y manunuod pa ng A Love So Beautiful.'Dun na lang kase ako kinikilig eh." Sabi nito sabay dampot ng walis.
Pagkatapos kong maglinis,pumasok na ako sa aking silid at humiga sa aking kama.Magkaiba kami ng kuwarto ni Manang,malaki naman kase itong bahay tsaka tatatlo lamang ang nakatira rito,si Manang,ako at si Sir Francis.
Habang nagmumuni-muni sa aking higaan,biglang lumukob sa aking isipan ang mga katanungang,bakit tila galit na galit si Sir matapos niyang malaman ang pangalan ng nanay ko? Hindi kaya kilala niya ang mama ko?
Agad kong ipinilig ang aking ulo upang iwaksi ang mga katanungang nasa aking isipan.Imposible naman kasi na kilala niya si mama eh tsaka ba't siya magagalit sa mama ko eh hindi niya pa ito nakikilala?
Nung napagawi ang aking paningin sa wall clock na nakasabit sa pader,napagtanto ko na limang minuto na lamang at alas sais na,kung kaya't bumangon na ako sa aking pagkakahiga,upang puntahan si Sir sa kanyang silid.
Wait,sigurado ba talaga ako na kakayanin ko 'to? Haist ewan,bahala na,para naman 'to sa ikakabuti ni Mama eh.
Bago ko tinungo ang silid ni Sir Francis,tinanong ko muna kay Manang kung nasaan ba ang kuwarto nito dahil hindi ko pa kabisado ang loob ng pamamahay lalo na't kakarating ko pa lang dito kanina.
Marahan akong naglakad patungo sa silid ni Sir.Nang nasa harap na ako ng kuwarto niya,nag-aalangan ako kung kakatok ba ako o aalis na lang.
Makalipas ng ilang sandali,kabado kong kinatok ang pinto ng kanyang silid.
"Come in,bukas yan!" Sigaw niya.
Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto.Nang tuluyan na akong makapasok sa kanyang silid,laking gulat ko ng tumambad sa aking paningin ang half naked niyang katawan.Kakatapos niya lang palang mag shower.
Nakalugay ang may kahabaan niya ng buhok na bumagay naman sa hitsura niyang tila basehan ng salitang perpeksyon.
Tama,mahaba nga ang buhok niya,hindi ko lang napansin dahil nakatali ito kanina,ngayon ko lang napagtanto na bagay din pala sa isang lalaki ang mahabang buhok.
"Huwag mo akong tingnan na para bang kakainin mo na ako." Untag nito sa akin.
--to be continued,thanks for reading this chapter--
BINABASA MO ANG
ADDICTED TO HER (SLOW UD)
Художественная прозаMASYADONG CLICHÉ AT WALANG KWENTA ANG STORY-NG ITO. INI-EDIT KO PA LANG HAHAHA 😩