Chapter 3
°DANIELLA°
"Read this contract after that,sign it." Sabi ni Sir sabay hagis sa akin ng isang printed na papel na may kasamang ballpen.
"Para sa'n po ito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"It's about our deal,assurance ko yan para hindi ka lumabag sa kung ano mang pinag-usapan natin.Aiissh just read it at maupo ka muna dun sa sofa." Naiiritang tugon nito habang nagbibihis.
Hindi na ako muli pang nagtanong bagkus ay umupo na lang muna ako sa sofa habang binabasa ang mga nakasaad sa kontratang pinapapapirmahan niya sa akin.
"Daniella Rodriguez will have a salary of 30,000 pesos a month.The medication of her mother,Lorie Rodriguez will be paid by Mr. Francis Jimenez,in exchange,she will serve Mr. Francis at all costs.This contract is valid as long as Mr. Francis wants her service." Mahina kong basa sa kontratang ibinigay sa'kin ni Sir.
30,000 a month? Sobrang laki nun! Tsaka umaabot ng 25,000 pesos kada linggo ang expenses pagdating sa pagpapagamot kay Mama.Hindi ako makapaniwala,mayaman nga siguro siya.
Pinag-isipan ko munang maigi kung papayag ba ako sa kasunduang ito.
Gagamitin niya ako hanggat gusto niya,pa'no kung bigla na lamang akong umayaw?Pa'no kung hindi ko magawa ang mga pinapagawa niya sa'kin? Pero kailangan ko talaga ang perang 'to,malaking tulong nito sa'min ni Mama.
Puno man ng mga katanungan ang aking isipan,pinirmahan ko pa rin ang kontrata.
"Done?" Tanong nito sa'kin sabay kuha ng papel sa aking mga kamay.Nasa harapan ko na pala siya,'di ko man lang namalayan.
"You're 18 years old right,kaka18 mo lang last week ayun sa bio-datang pinasa mo kay Soleng." Panimula nito.
"Do you know how old I am? 27 years old na ako,sa edad kong 'to,marami na akong babaeng nakasalamuha at masasabi ko na wala kang binatbat sa kanila.Alam mo kung ba't kinuha pa rin kita kahit na mukha kang neneng na 'di pa nireregla? Wala lang,gusto lang kitang pahirapan.Gusto ko lang makaganti sa pamilya mo sa pamamagitan ng paggamit sa'yo." Pagpapatuloy niya.
"Ahh Sir 'di ko p-po ka'yo maintindihan." Naguguluhan kong saad.
"Really? So hindi mo alam na na ang pamilya mo ang naging dahilan kung ba't nagkandaputa-puta ang buhay ko at ni Mommy?" Sarkastikong tanong nito sa'kin.
"I'm sorry Sir pero 'di ko po t-talaga k-kayo maintindihan."Kabadong tugon ko,hindi ko talaga alam ang mga pinagsasabi niya.
"Six years old pa lamang ako noong namatay ang Daddy ko,halos mabaliw noon si Mommy but after 1 year may nakilala siyang lalaki at yun nga ang step father kong babaero.Mahal na mahal siya ni Mommy kaya nung nalaman niyang may babae ito,agad itong nagpakamatay.At guess what? nagpakamatay siya sa mismong araw ng kaarawan ko.Funny right? Pero alam mo kung ano ang mas nakakatuwa pa rito,yung Papa mo ay ang step father ko at ang Nanay mo ang kabit niya and worst ikaw ang naging bunga nun.Pinili ng step father ko yung nanay mong malandi. Sa sobrang inis ko,ipinangako ko sa sarili ko na someday, makakaganti ri ako sa pamilya ng tatay tayan kong salawahan.At heto na yun,this is the perfect chance para makapaghiganti ako.Ngayon naiintindihan mo na ako?"Pagpapaliwanag nito na nakapagpahinto ng aking mundo.
Speechless ako,hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ang mga sinabi niya.
There's no way in hell na magagawa iyon ng mga magulang ko.Ayaw ko..Ayaw kong maniwala...pero imposible namang gagawa ng istorya si Sir.
"Sir baka nagkakamali lang po siguro kayo.Hindi po---"
"Cut that shit off!!!! Anong nagkakamali ha?!!!" Sigaw nito sa akin.
BINABASA MO ANG
ADDICTED TO HER (SLOW UD)
General FictionMASYADONG CLICHÉ AT WALANG KWENTA ANG STORY-NG ITO. INI-EDIT KO PA LANG HAHAHA 😩