Lumipas ang mga araw lagi ko nasa siyang nakakasama manuod sa laban ng Basketball hanggang sa dumating na yung katapusan ng SCUAA. Na-isipan parin namin umattend kahit na hindi naman na dapat.
Pangalawang beses ko non sumakay sa PNR, halos natatakot pa akong sumakay gawa nga na kung bakit ganito siya o baka mamaya magkalasan nalang dahil sa sobrang kalumaan na. Nasanay naman kasi ako sa LRT na maayos. Yung tipong kahit siksikan man, alam mo paring maayos ka makakababa pero kapag PNR na, mahirap na.
Dumating na yung tren, hindi ko tuloy alam kung papasok ba ako o hindi. Kaya naman laking gulat ko nalang ng hilain niya ako paloob.
Kahit na siksikan na lalo't pa nasa panlalaki kami ay pinilit niya parin makapasok ako.May halong saya ang nararamdaman non dahil sa ikalawang pagkakataon ay nakasakay nanaman ako sa PNR na kulang nalang kapag umaago
Matumba kami. Ang weird ano?Nang makarating na kami sa PUP-STA.MESA, nakita namin ang mga iba pa naming ka-teamates. Inaasar pa kaming dalawa non kung mag jowa na daw ba kami. Pero sinasagot lang namin ay Hindi. Napa isip ako, kung manliligaw man siya sa akin bakit hindi? Kaso parang hindi pa yata ako handa gawa ng nakaraan ko.
Natatakot parin kase ako na baka masaktan ko lang siya at the same time, matatapos narin ang SCUAA kaya balik realidad na kami. Balik studyante nanaman kami na kung saan tuwing SCUAA lang kami nagka-kakitaan at nagka-kakilanlan.
Lumipas ang mga ilang araw, nag kamali ako dahil yung akala kong hindi ko na siya makikita ay makikita ko pa pala siya. AMT (Aircraft Mech.)
siya at ako naman ay AET (Aviation Elec.) sa i-isang building lang pala kami at ang mas nakakatawa pa doon same floor lang din pala kami.Dahil nga sa may magkakilala na kami ay naging magkaibigan kami. Lagi ko narin siyang kasama at sabay narin kaming kumakain sa canteen, hangga't sa dumating yung araw
na umamin siya sakin.Natatawa pa ako kasi ang dami pa niyang paligoy ligoy non para lang umamin at naging kami, December 19 2016.
Naging masaya kami. Ang dami kong mga nalaman lalo about sa kanya at ganun din sa siya sa akin. Minahal ko siya. Sobra. Dumating yung unang monthsary namin at binigyan niya ako ng teddy bear na panda. Hanggang sa mga iba pa naming monthsary ay lagi na akong may teddy bear na panda sa kanya.
Isa rin sa masaya kong naranasan kapiling siya ay nung nanuod kami ng Pyro Musical. It's February 27 2017, kahit na ginabi na kami non at alam kong ma-pa-pagalitan siya ay ginawa niya parin ang lahat para lang makanuod kami.
Nakakatawa pa nga, kasi gumawa pa kami ng task manager namin sa cellphone niya. Lahat ng plano namin ay doon namin inilagay at isa-isa namin yon chine-check kapag may na-a-acomplish kami.
Dumating ang aking 18th Birthday, ang pinaka-hinihintay ko dahil doon ko mismo siya balak ipakilala sa lahat bilang boyfriend ko. Siya ang aking partner non, may ni-rerecommend sana sila papa sakin pero ayaw ko kasi nga mas gusto ko na yung boyfriend ko ang maging partner ko. Noong una nagtataka sila mama at papa bakit siya daw, kesyo hindi naman daw nila kilala pero dahil kaarawan ko naman ay hindi na sila tumutol don.
Siya ang naging last dance ko at habang sumasayaw kami, na-realized ko sa sarili ko that this man in front of me is the one that i'm gonna marry someday. No matter what happen I will marry this man. I will fight for us.
YOU ARE READING
LOVE (Not Your Ordinary Love Story)
Historia CortaLooking back, I have this to regret, that too often when I loved, I did not say so.