Pangatlo (Revised)

17 2 0
                                    

Dumating yung ika-6th Monthsary namin, doon ako mas lalong nahulog sa kanya. Gumawa pa siya ng letter na di ko inaasahan. Akala ko sa mga wattpad lang nangyayari yung sinusurpresa ang mga gf nila dahil para sakin impossible ang mga ganon pero nagkamali ako.

Gamit yung librong LITEAEROTURA na kung saan pinamimigay siya sa mga estudyante sa School at nakapaloob dito ang mga ibat-ibang hugot,tula at kwento ng mga studyanteng may mga pinanghuhugutan.

Kinuntsaba niya yung mga kaibigan ko para lang magawa yung plano niya. Nung i-binigay sa akin
yung ang librong yon, nagtaka ako kasi syempre para saan pa yun diba? eh mayroon naman na ako nun at bakit ako bibigyan ng mga kaibigan kong may pagkasira-ulo din mag-isip minsan. Baka mamaya may binabalak sila ng hindi ko alam.


At hindi nga ako nag-kamali sa aking na-isip, Binuklat ko ang libro at may mga nakita ako akong number na nakabilog sa piling mga pahina na kung saan kapag binuo mo ay ang date na kung saan pag-pinag sama-sama mo ay lalabas kung kailan ko siya sinagot.

Gusto kong umiyak nung time na yon. Dahil sa wakas nararanasan ko narin yung mga pangarap ko lang dati na akala ko impossibleng mangyari sakin.


Dumating yung Anniversary namin, at ginanap namin yon sa Tagaytay. Kasama namin non yung kaibigan din namin na mag jowa rin. Napaka epic nung time na yon, akala ko nadala ko yung pera ko pero nung makarating na kami sa Tagaytay naiwan ko pala sa bahay. Kung hindi ba naman ako shunga?

Pero kahit na ganun, nai-celebrate parin namin ng maayos at maganda ang aming Anniversary kahit na may bagyo pa non.



Pauwi na kami ng biglang lumakas lalo ang ulan. Kinai-langan narin
naming umuwi non dahil hindi siya pwedeng maabutan ng gabi. Only child lang kasi siya kaya naman ganun nalamang ang pag higpit sa kanya ng mga magulang niya pero kahit na ganun ay naiintindihan ko parin.

Kahit na nilalamig na ako ng sobra non at nanghihina na, hindi parin ako nagreklamo basta ba'y makauwi lang kami ng maaga. Nakakaloka pa non kasi kung kailan naman nag mamadali kami ay na-Flatan pa kami ng motor. Nagkataon pang sobrang hirap na maghanap ng Vulcanizing shop gawa ng may bagyo.
Pero sa awa ng diyos, buti nalang at may bukas pa. Naayos din yung motor niya at nagpatuloy na kami sa pagbyahe hanggang sa nakarating na kami malapit sa bahay nila.

Basang basa kaming lahat non pero nag bus parin ako pauwi sa amin. Hindi na niya kasi akong magagawang maihatid non dahil darating na rin ang magulang niya sa bahay nila galing sa school.

Pero ika-nga nila hindi puro saya lang sa isang relasyon. Dumadating din ang problema. At dito niyo malalaman kung matatag ba kayo o hindi.

4th yr college na siya dumating na yung kinakatakutan ko. Puro problema na ang dumating sa aming dalawa. Hangga't sa nagkakalabuan na kami. Ang gusto niya kasing mangyare ay magfocus siya sa kanyang career at ako naman sa Ojt.

Hindi ko alam kung dahil ba sa akin kaya kami nagkakalabuan. Hindi kase ako maka-kapagenroll ng 3rd yr gawa ng wala pa akong Ojt.

kung nakapag Ojt ba ako at makakapagenroll ng 3rd yr. Hindi ba sana kami ganto?.

Hindi ko na alam kung ano yung gagawin ko dahil ang dami ng napasok sa isipan ko. Pero kase sabi niya sa akin ay ina-alala niya yung future. Lalo na daw na nag oOjt ako tapos siya nag-aaral.

Hindi ko alam kung natatakot ba siya ng dahil sa ganto ang sitwasyon namin ngayon ay baka makahanap ako ng iba o siya? Hindi rin ba pwedeng sabay namin aabutin yung mga pangarap namin sa isat-isa?


Ang sakit lang, na yung taong mahal mo ay hindi kana pinagkakatiwalaan. Parang ganun na kasi yung nangyayare, Ang sakit na kapag binabasa mo yung sulat na gawa nya sayo ay balewala na. Katulad ngayon, habang sinusulat ko to na alam kong baka isang araw ay maging isang ala-ala nalang. Nasasaktan ako at the same time umiiyak.

LOVE (Not Your Ordinary Love Story)Where stories live. Discover now