Nakatingin ako ngayon sa isang screen dito sa Caticlan Airport at tinititigan ang pangatlong nakalagay doon sa screen.
3. 5J MPH --> MNL RP-C3274 12:30 - 14:00
Ilang oras nalang babalik na ulit ako. halo-halo ang mga nararamdaman ko di ko maintindihan. bakit ganito? Excited ako na kinakabahan.
Excited siguro ako dahil babalik narin ako ng Manila kaso bakit ganito ako na kahit iba ang nalabas sa bibig ko ay hindi parin talaga ako mapakali. Ayaw ko man aminin ngunit taliwas naman ang sinasabi ng puso at isipan ko.
Magkikita na ulit kami.
eh ano naman? tama.. tama.. dapat hindi na ako ganito , nag bago kana diba? sayang lang ang mahigit 3 buwan mo sa Isla kung isa ka paring marupok na kahit makita mo lang siya ay bibigay kana.
Umiling-iling ako.
Ayaw ko na. Ayaw ko ng makita pa yung dating ako. Kaya mo to Danica!
"To all passengers of 5J RP-C3274 Cebu Pacific can now proceed to gate 4. Thank you"
huminga muna ako ng malalim bago maglakad at pumunta sa nasabing lugar. Nang makaupo na ako sa aking upuan,buti nalang nasa bintana ang napili sakin ng nagbook.
Habang papalipad na ang eroplanong sinasakyan ko, muli akong tumingin sa lugar kung saan naging daan ko para masabing eto na ako.
Hanggang tingin nalang ako sa lugar kung saan paliit na ito ng paliit. Mamimiss ko ang mga nangyari sakin sa lugar na yon. Mga naging kaibigan ko, Mga bondings at higit sa lahat ang lugar mismo.
~Flashback~
Naglalakad ako sa corridor ng isang kompanya kung saan ako nag o-ojt ng biglang kinausap ako ng aming manager.
" Sandali" sabi niya, kaya naman napatigil ako sa paglalakad. "willing ka bang ma-assign sa boracay?"
shit. tama ba naririnig ko? boracay? omg! dream ko yon!
"ah, ano po ulit ? " takte lumipad ata utak ko dahilan para masabi ko ang salitang hindi dapat.
"gusto mo bang magboracay sabi ko "
"yung totoo sir? okay lang naman po" sheeeeet! ano ba tong mga pinagsasabi ko? paktay ka talaga.
tumawa naman yung manager na nagtatanong sakin. " okay lang ba sayo, mahigit 3 buwan ka doon."
"ah-ahm. opo sir, okay lang po" my my ! sabi nga nila oo lang ng oo kapag may oppurtunity kaso ano to? bakit hindi ako maka-Hindi? "O-sige. sasabihan ko yung nasa Marketing Dept. na ikaw yung maipapadala sa boracay" at umalis na siya. habang ako? ayun naiwan na nakatulala. hindi makagalaw.
Binalikan ko ulit yung mga sinabi niya. Boracay.. Boracay..
ako? pupunta sa boracay?Pagkauwi ko ng bahay habang kami ay nakain sinabi ko kina Mama at Papa na binigyan ako ng offer ng aming manager.
Umaayaw sila dahil malayo daw iyon at baka di ko kayanin. Pero sinabing kong kaya ko kahit alam kong hindi talaga.
Nagsinungaling ako sa kanila, hindi ko sinabi sa kanila yung totoong dahilan kung bakit ko talaga iyon tinanggap. Isa lang talaga...yun ay yung makalimot sa kanya.
Dumating yung araw na aalis na ako sa Manila at pupunta na sa Boracay. Hinatid ako nila Ma at Pa sa Terminal 3. Doon na kami kumain at naghintay ng ilang oras. Hanggang sa tinatawag na yung mga passengers ng aming sasakyan. Tumayo na ako at niyakap sila Ma at Pa
"Mag i-ingat ka doon, lagi akong ta-tawag sayo" sabi ni Ma sa akin. "Opo." yun nalang ang nasabi ko. Tumalikod na ako at naglakad.
Kahit na nai-iyak ako ay pinigilan ko.
Wag kang iiyak.. Wag kang iiyak..
sabi ng isipan ko.lumingon ulit ako at nakita ko sila Ma at Pa na naglalakad na papalayo sa akin. Muli kong pinagmasdan ang aking paligid. Corny man sabihin ngunit sinabi ko parin.
" Bye for now Manila. Paalam muna sayo. Pangako pagbalik ko handa na ako ulit harapin ka ng wala ng sakit sa aking puso" sabay ngiti.
Tumalikod na ulit ako at nag lakad ng muli.
~End of Flashback
"Thank you for riding Cebu Pacific. Im Capt. Leo Cabansag your pilot for today, Welcome to Manila."
this is it ! Welcome back sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/149768112-288-k813509.jpg)
YOU ARE READING
LOVE (Not Your Ordinary Love Story)
Kısa HikayeLooking back, I have this to regret, that too often when I loved, I did not say so.