1

25.8K 51 2
                                    








"Papa! Alis ako ha? Pahingi baon!" Sabi ko kay papa na kumakain ngayon.


"Aalis ka nanaman? Pwede bang dito ka na lang sa bahay?" Tanong ni Papa.



"Kasama ko mga kaibigan ko pa, kuha na ako sa wallet mo ha?"




Agad akong tumakbo sa wallet ni papa at kumuha ng one hundred.




"Bye bye pa!"




Umalis ako ng nakangiti. Di man lang ako nag ilove you kay papa. Hayaan mo na! Lagi namang andyan si papa, tsaka malaki na ako di ko na kailangan mag ilove you. Nakakahiya.



So ayun nga, andito ako sa bahay ng friend ko, aalis kasi kami, punta kami sa SM. You know? Bonding bonding din! Namiss ko na mag shopping. God! Nag doorbell ako.



"Oh, Sandra andito ka pala." Bati ni Ninang Aileen.


"Hello po; andyan po si Cloud?" Tanong ko.



"Oo, nasa kwarto niya puntahan mo."


Masaya kong pinuntahan si Cloud. Miss ko na yung bruhang yun.




"Clouudd!! God! Namiss kita!" Sabay yakap sakaniya.




"Bigat mo Sandra! Alis." Natatawa akong umalis sakaniya, at umikot sa harapan niya.



"Tumataba na ba ako? Sabi mo kasi ang bigat ko eh, soo? Tumaba ba ako?" Makakakitaan mo ng pagasa ang mukha ko pero nawala iyon.



"Hindi!"



Napasimagot ako, akala ko tumataba na ako! Payat kasi ako. 36.6 lang timbang ko. At goal ko ngayon, mag pataba kaya lamon lang ako ng lamon sa bahay. Syempre pag walang food, mag rereklamo ako kay papa, and si papa bibigyan ako ng money!




"Asan na si Rina? Diba mag kapit bahay lang kayo?" Nag tatakang tanong ni Cloud.



"Akala ko andito na kaya, di ko na pinuntahan sa bahay nila." Patay malisya kong tanong, totoo naman akala ko andito na and tinatamad ako pumunta sa bahay nila.




Humiga ako sa kama ni Cloud at maya- maya lang dumating na ang tropang pochi.

Papa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon