Nagising ako, ang sarap ng amoy.
Tumayo ako, ganon parin bihis ko.
"Ma! Ano ulam?" Tanong ko kay mama, at umupo na.
"Adobo, favorite mo. Pinag luto ka pa ng papa mo." Nakangiti na sabi ni Mama. Napangiti naman ako, bait talaga ni Papa.
"Asan si Papa, ma?" Tanong ko habang kumakain.
"Andyan lang, pinark yung tricycle niya." Umupo si Mama at nanood ng tv habang ako, todo kain ang sarap! Medyo weird kasi di ako mabusog busog, pero okay na yan. Basta tumaba ako.
"Maa!" Tawag ko. Lumapit ako sakaniya. Tinignan niya ako
"Pahinga pang paload." Sabi ko, habang nakalahad ang mga palad.
"Andyan sa wallet ng ama mo." Masaya akong pumunta sa wallet ni papa at kumuha ng 50, nakita ko na 100 na lang natira.
'Pang- gas ata ni papa yung 100, oh well basta makapag paload ako.'
Pumunta ako sa tindahan at nag paload. Pag balik ko, nakita ko si Mama, umiiyak.
"Ma? Bakit?" Tanong ko, tinignan ko yung TV.
La? TV patrol naman pinapanood niya.
"Sandra, tara na." Bigla akong hinila ni Mama.
Anong nangyayari?
Bakit umiiyak si mama?
B-bakit ako kinakabahan?
Huminto ang sasakyan, di ko man namalayan na nakasakay na kami
Ano ba nangyayari?
"Mama ano bang nangyayari?! Bakit tayo andito?!" Sigaw ko sakaniya.
"Asan sila Ate?! Si andrea?!" Tanong ko, gulong gulo na ako.
Patuloy na humahagulhol si mama, asan ang mga kapatid ko? Bakit ni isa wala man lang lumalapit saakin.
Kahit gulong gulo pilit kong tinignan si
Mama, nag lalakad papunta sa...MORGUE
Ano gagawin namin dito?
-Papa
No! No! Hindi si papa! Nag park siya ng tricycle!
Baka naman may kamag anak kaming patay!
Tama!
Habang humahakbang ako papalapit sa morgue, kinakabahan ako, unti unting nadudurong puso ko.
Bakit?
Binuksan ng dalawang nurse ang pinto.
Naramadaman ko ang lamig.
Sinundan ko lang si Mama. Andon siya sa gilid, yakap yakap ang isang bangkay na may balot ng puting kumot.
"M-mama? Sino? S-sino yan?" Tanong ko, nararamdaman ko na may bumara sa lalamunan ko, nag umpisa na ding tumulo ang mala krystal kong luha.
"P-papa m-mo."
Dalawang salita, ang nag paguho sa mundo, para itong bomba na sumabog, dalawang salita, na nagkukumpirma na wala na...
Wala na ang papa ko.
"No! M-mama! Wag ka mag biro! D-di yan si papa! M-mama!!" Sa galit ko kay Mama, tinulak ko siya, at marahas na tinanggal ang kumot.
Andon siya, nakahiga, namumutla, may galos sa mukha, kahit na may galos, bakas parin ang kakisigan niya. Yung minahal ko, yung taong provide ng mga pangangailangan ko, andito.
Sa bakal na kama, nakahiga, malamig.